TRIGGER WARNING: Self harm
"Don't do that again." May halong pag-aalala sa boses niya.
Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa ginawa niyang pagyakap sa akin. Parang mas natakot pa siya kaysa sa akin?
Alam kong katangahan ang ginawa kong pagpalo ng tsinelas pero ano pa bang pwede kong gamitin? Ayoko namang gamitin ang vase nila dito dahil mamahalin iyon, ako na nga lang ang nakikitira dito eh, maninira pa ako ng gamit?
Pero okay na rin iyong tsinelas dahil si Jyeo yung taong akala kong magnanakaw. Nakakahiya ang ginawa ko. Nasaktan ko pa tuloy siya.
"M-may masakit ba sayo? Pasensya na nasaktan tuloy kita." Humiwalay siya sa yakap.
"N-nothing," sabi niya habang nakatitig siya sa akin na kunot ang noo.
Tumungo ako at nakita ko ang hawak niyang baril. Bakit may baril siya?! Iniangat ko ang mukha ko.
"B-bakit ka may baril?" Hindi ko alam kung may halong takot o pag-aalala sa boses ko. He looked down para tignan iyon.
Agad naman niyang itinago iyon sa likod ng pantalon niya. Narinig ko pa ang mahina niyang mura.
"We need to go upstairs. It's late." Bumalik na naman ang seryoso niyang ekspresyon pati pananalita, tapos nauna siyang umakyat. Pinanood ko lang siya at hindi pa rin ako gumagalaw sa pwesto ko. He stopped in the middle.
"What are you still doing?" Tanong niya?
"Ah, i-iinom lang..." Iyon naman talaga ang ipinunta ko sa baba. Pero nang dahil nga sa nangyari ay hindi pa ako nakakainom. Hindi kasi ako makatulog kahit anong gawin ko. Pakiramdam ko... ay baka marinig ko na naman ang boses niya, o baka mapaginipan ko na naman siya. Ayoko. Ayoko nang mangyari ulit 'yon.
Tumango ito, tutuloy na sana siya pero tumigil ulit siya. Tumingin ng deretso sa akin.
"And Watson, there's no one would try to break in. Keep that in mind," tsaka lamang siya nagderetsong naglakad.
Nakakahiya talaga ang ginawa mo Ithalia. Nakakahiya!
Naglakad na ako papuntang kusina at uminom saglit ng tubig, pagkatapos ay umakyat na rin ako.
Wala siya sa kama kaya paniguradong nasa banyo, dahil na rin sa ingay ng shower na naririnig ko.
Umupo naman na ako sa kama at hindi pa humiga. Ngayon pakiramdam ko ligtas na ako. Hindi na ako nag-iisa. Nandito na si Jyeo. Nakakahiya mang aminin, parang si Jyeo ang makakapag panatag sa kalooban ko. I feel safe whenever he's near. At iyon din ang ipinagtataka ko. Bakit siya pa?
Bakit siya pa kung kailan naman huling gabi na namin ito. Nakakatawa dahil parang nasanay na akong nandiyan siya kahit ilang araw palang kaming nagsama dito sa kwarto.
Paano na 'yan kapag ako nalang ang mag-isa? Paano kung...kung...
Umiling-iling nalang ako. Hindi naman na siguro mangyayari ang ginawa ko dati. Gusto ko nang mabuhay dahil gusto kong maalala ko lahat ng alaala ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko, kailangang bumalik ang lahat ng alaala ko.
Sabi ni Doc Savv kaninang tanghali almost 6 months na rin akong may amnesia kung hindi siya nagkakamali. Nirecommend din daw niya ako sa ilang mga doktor para sa kalagayan ko at every Friday and Saturday ay may therapy ako. Para mabawasan daw ang takot ko dahil sa trauma. Pinaliwanag niya iyon ngunit hindi pa rin talaga ako handang sabihin kung ano ang naranasan ko sa kamay ni Tito.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 1: Saved By Him
Romance|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS: SAVED BY HIM *** She- Venice Ithalia Watson experienced hell. She has nothing when she escaped from her worst nightmare. She met HIM- J Yeovil Grimes...