50: Ithalia

52.6K 1.4K 282
                                    

I took a glance in the mirror once again. Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita kong repleksyon. There was a woman a very beautiful woman indeed with just a right amount of make up on her face that enhanced her facial features. Her hair was curled, mayroon ding nakatali patalikod enough to let them see her face, side view. And of course, different kind of little white flowers na ginawang korona ay nakapatong sa nakaipit niyang buhok.

The veil was already in her head, pinned to her hair.

Ako ang nasa repleksyon na iyon. Kasal ko na pala ngayon at walang kasing saya ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Anytime ay sasabog na ako sa sobrang saya.

I was wearing a white off shoulder ball gown na napupuno ng iba't ibang klase ng crystals na kumikinang whenever it hits light. It was made by a well known fashion designer na kinuha pa nila sa ibang bansa.

I looked like a princess.

Just as I imagined when I was young. Ganitong ganito ang gusto kong maging suot ko sa araw ng kasal ko.

Mama, Dada ikakasal na ako. I know you're watching me right now, alam kong nasa tabi ko lang kayo sa araw na ito.

I smiled again.

"Ang ganda ganda mo talaga Mrs. Grimes! Perfect!" Tili ng make up artist.

"Thanks." Sabi ko at ngumiti.

"Ready na ba ang bride?" Napalingon ako sa maid of honor ko. She was beaming.

"Kinakabahan ako Ate Savv." I honestly said. Ganito ba talaga kapag araw ng kasal mo na?

"Nako, just be yourself Ithalia. You look so perfect oh my!" Hinawakan niya ang magkabilang nanlalamig kong mga kamay.

Ngumiti nalang ako sa kanya.

"You look so beautiful in white," sabi niya ulit tapos natawa siya na para bang may naalalang nakakatawa.

"Thank you Ate. Ikaw din in mint green," sabi ko. She wears a mint green flowy long gown. Iyan ang pinili kong kulay ng gows and motif ng buong kasal dahil favorite color ko ang mint green.

"Pabasa nga ng sasabihin mo mamaya baka naman lyrics din ng kanta 'yon naloko na," sabi niya.

"Kailangan pa ba 'yon?" Tanong ko. Ang nasa isip ko pa naman kanina eh bahala na kung anong sasabihin ko kaya hindi na ako nagsulat.

"Pfft. Nah I'm just making sure baka kasi lyrics ng kanta naisulat mo."

"I've already have one in my head Ate at hindi naman iyon lyrics ng kanta," tumango tango siya.

"Good, good. Let's go na?" Tumango ako. Hinawakan niya ang dulo ng gown ko tapos bigla namang may humawak sa kamay ko at pinaikot iyon sa braso niya.

I smiled.

"Zaki..."

"You look so beautiful Veni."

"Thanks Dad." I joked. Naglakad kami pababa ng hagdan. I was in our house. Tapos si Jyeo nasa mansion nila Ate Savv. We haven't seen each other for a week now, hindi ko kasi alam na napaka-traditional nila at naniniwala sila doon sa bawal muna magkita ang groom and bride bago ang mismong kasal.

I missed him already.

Pero ngayon na magkikita na kami, kinakabahan naman ako.

"Relax." Ate Savv and Zaki said in chorus. Nasa limousine na kaming tatlo at alam kong naririnig nila ang mga buntong hininga ko.

Ngumiti nalang ako. This is it.

Nang makarating kami sa harap ng simbahan ay lumabas na sila ate at Zaki tapos ako ay naghintay muna ng ilang minuto bago ako sinundo ng organizer at pina-pwesto sa harap ng nakasaradong double doors ng simbahan.

Mafia Boss 1: Saved By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon