Napasigaw ako dahil sa sakit ng balakang ko. Sanhi nang pagka-hulog ko sa kama dahil sa pagmamadaling makababa sa pag-aakalang late na ako sa trabaho ko. Stupid Ithalia! Gumawa din ito ng malakas na kalabog dahil sa pagkahulog ng lampshade dahil nadali ko ito.
Hindi ko alam na nakatulog pala ako sa kwarto ni Jyeo dahil sa pag-aasikaso ko sa kanya kagabi. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako kanina na nasa tabi ko siya at yakap niya ako o totoo yon, dahil kung totoo nga, bakit wala siya sa tabi ko?
"Saan naman kaya siya---" nasapo ko ang dibdib ko dahil sa gulat. Nagkatitigan kami. He was intently looking down at me, hindi pa kasi ako nakakatayo mula sa pagkaka-hulog sa kama.
"What are you doing there Watson? What was that noise?" tapos napahilamos siya ng mukha. Is he worried about me, kaya apurado ba siyang pumasok sa kwarto niya?
"I uhmm. I just fell..." Kumunot ang noo niya, "akala ko kasi late na ako sa trabaho, I panicked and it happened." Dahil sa totoo lang ayaw na ayaw niyang pinaghihintay mo siya, ganito ako lagi kapag may trabaho na naging routine ko na rin for a month, gigising ng maaga, para lang maaga kaming pumasok dahil sabay kaming pumupunta sa kompanya. In short bawal akong ma-late kapag kasama ko siya.
Tumayo ako ng dahan dahan dahil sa impact ng pagka-hulog ko ay parang napilayan ata ako sa paa dahil madaling madali ako sa pagbaba kanina sa kama. Bad trip. Napa-ngiwi nalang ako sa sakit. Hindi ko alam kung makakapag suot pa ako ng stiletto neto. I pouted.
"You okay?" tumango ako, kahit medyo hindi.
"Anong oras na ba?" tanong ko. Okay lang naman daw kasi kahit wala ng formalities dito sa bahay so yeah. Instead na sagutin niya ako ay tinitigan lang niya ako. Napadako naman ang tingin ko sa orasan na nasa side table. 5 AM. Napa-buntong hininga nalang ako. Akala ko talaga late na ako.
Ang saklap naman ng araw na 'to, walang maayos na tulog, at napilayan pa.
Bigla ko namang naalala ang kalagayan niya. "O-okay ka na ba? You had fever last night."
He went near me. Magka-harap na kami ngayon.
"I am. You're a good nurse." Tapos nilagpasan niya na ako at may kinalikot sa cabinet niya. Naamoy ko pa ang paborito kong masculine scent niya.
Nag-init ang pisngi ko dahil sa mga nangyari kagabi. That perfect body."T-that's good to hear."
I bit my lip. Hindi na ata tama ang mga iniisip ko. I need to breathe, oh my God. Sa totoo lang ayoko nang ungkatin pa ang nangyari kagabi. Kahit wala naman akong ginawang masama ay nakaka-hiya pa rin. Malay ko ba kung anong isipin niya 'no.
Gusto ko nang makalabas dito. As in, right now.
"Uhmm b-babalik na ako sa kwarto ko at mag aayos na rin," sabi ko. Habang dahan dahan naman akong naglakad palabas. I think I sprained my ankle.
"You sure you're okay?" pinikit ko ng mariin ang mata ko. Obvious ba? Huhu.
"I'm fine and I can manage." Sagot ko habang paika-ika akong naglakad. When I finally reached the door at binuksan ito, nakita ko yung apat na nasa tapat ng pinto.
Eh?
"Uy nandiyan pala kayo, uhmm nasa loob si Jyeo." Baka kasi gusto nilang pumasok.
Pero ni isang word wala akong narinig, they're just looking at me. What's wrong with these gorgeous men?
"Uhmm, sige mauna na ako." I bit my lip, at nagsimula nang maglakad.
"Okay ka lang ba Ithalia?" tanong ni Levy. Tapos nagbulungan naman yung tatlo.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 1: Saved By Him
Romansa|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS: SAVED BY HIM *** She- Venice Ithalia Watson experienced hell. She has nothing when she escaped from her worst nightmare. She met HIM- J Yeovil Grimes...