31: Ithalia

51.3K 1.5K 68
                                    

Nagising ako dahil sa ringtone ng cellphone ko. May tumatawag. At sino naman kayang tao ang tumatawag sa ganitong oras?! Istorbo!

Sinagot ko ang tawag nang hindi tinitignan ang caller.

"Istorbo ka," mahina kong bati. Isabay pa ang medyo paos kong boses dahil nga sa tulog ako na nagising lang dahil dito sa istorbong ito.

"Prepare for your first training or you will not become part of it. I'm downstairs. 10 minutes Watson, you know what will happen when you're late," and he ended the call.

Bahala ka sa buhay mo!

I was planning to sleep again but realization hits me.

Ngayon na ang training ko?!

Dali-dali akong bumangon. Napahilanos ako sa mukha. Hindi ako nainform na ngayon na!

Parang kahapon lang namin pinag-usapan ito tapos kinabukasan training na agad?!

"Prepare for your first training or you will not become part of it. I'm downstairs.10 minutes Watson, you know what will happen when you're late."

Oh crap! 10 minutes?! Seriously?! Tinignan ko ang oras at 3AM palang!

Mabilis akong nagpunta sa banyo at mabilis ding nag shower, wala pa atang 5 minutes ay tapos na ako. Damn you Jyeo! Pasalamat ka I really want this.

Nagsuot ako ng all black na pang workout or training attire and shoes. Itinali ko ang mahaba kong buhok at naglagay pa ng extra clothes sa bag. Yeah, I did all of those in just 9 minutes.

Lumabas na ako at tumakbo ako pababa ng hagdan and there I saw him standing. He's wearing a black fitted shirt na siguradong bakat ang  matipunong dibdib at braso niya at ang mga abs. He's freaking sexy in that attire. Kahit ano pa ata ang isuot nito sexy pa rin.

"Quit staring. Let's go," napa-roll eyes naman ako in my head.

Lumabas kami at syempre madilim pa. I thought we're going to jog first pero sumakay kami sa sasakyan niya at pinaandar ito sa kung saan ay hindi ko na alam.

"Where are we going?"

"Hideout." What?!

Ah oo nga pala, natural lang yon na may hideout ang mga katulad nila. Hindi na ako magtataka kung maraming mga men in black ang naroroon. They're mafia for Pete's sake.

Pero until now hindi pa rin ako makapaniwala. Parang panaginip lang ang lahat. How can I even say na mafia nga ang mga ito kung mababait silang lahat?

They kill yes. Pero naroon pa rin ang kabutihan sa puso nila. Maybe not all mafias are ruthless, cruel, or heartless. They're criminals because they kill, pero hindi naman inosenteng tao ang pinapatay. Ngunit hindi talaga maipagkakaila na mababait ang katulad ni Zaki, ni Dada, and mga Grimes. And I will become one of them. Hindi naman siguro ako papatay kung hindi kailangan. I hate violence pero simula palang pala ay mulat na ako sa mundong iyon- ang mundo ng mafia. Maybe I was born to be like them. Fighting those who want to kill us.

"What are you thinking?" Tumingin ako sa kanya.

"I still couldn't believe it na ang mababait na mga katulad niyo ay part ng mafia organization."

"We're not kind... especially on the trainings." He said. I gulped.

"Are you scaring me?"

"Are you scared?" umiling ako.

"Of course not. Try me Jyeo." Kung akala niya ay magbaback out ako para matupad ang kagustuhan niyang hindi ako mapasama sa grupo, nagkakamali siya.

Mafia Boss 1: Saved By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon