37: Ithalia

46.4K 1.3K 84
                                    

Kanina pa ako hinawakan sa braso at binti ng manyak na matandang ito but I need to act normal or else our mission will fail. I'm just going with the flow, kaya nang nag-offer siya ng alak ay nilagok ko ito at hindi sinunod si Jyeo na halatang nagpipigil ng galit dahil sa malalalim na hiningang naririnig ko sa earpiece.

He will kill De Vera in an instant lalo na kapag nakikita niya ang ginagawa nito sa akin ngayon. Kahit ako ay nandidiri sa kanya. Damn, if only I could twist his arm right now I would, pero alam kong may nagbabantay sa labas ng kwartong ito kaya kapag may narinig silang makakapag-alerto sa kanila ay papasok sila at magkakagulo na ang lahat.

Kahit alam kong nasa labas lang sila Levy at Charles at handang pumasok dito mula sa bintana kapag narinig na nila ang cue ko ay kailangang hindi muna makahalata ang matandang ito.

We won't kill him here, kailangan pa namin siya para sa pagsagot ng ilang mga katanungan.

Nagsalin ulit siya ng alak sa baso ko. I smiled at him. Kinuha ko ito at nilagok ulit dahil nakatitig siya sa akin. I'm hoping he won't notice that I was just acting. Dahil inoobserbahan niya ako kanina pa when I didn't let him to kiss me. Nakakahalata na kaya siya?

"Duval, Charles on the count of three, get ins---" The room became dark. As in wala akong makita. Brownout? May nag cut ng wires? Shit. Wala ito sa plano namin! Sino naman ang gagawa nito?!

I shook my head, kahit kailan talaga ay takot pa rin ako sa dilim lalo na kapag sa ganitong saradong lugar. Naaalala ko lang yung mga panahong nasa isang kwarto ako na madilim, mainit at nakakatakot. Nanlamig ang kamay ko at nanginig ako bigla. Ni hindi ako makapagsalita.

I took deep breaths. I'm trying to calm myself.

Hindi ako makagalaw kaya naman ay nasakal ako ni De Vera. Shit! Hindi ko 'yun inaasahan I thought he's biting with our plan.

Ganitong ganito ang ginagawa sa akin ni Tito, noon.

Come on Ithalia, wake up!

Kinokumbinsi ko ang sarili ko na wala ako sa kwartong iyon at hindi siya si Tito pero natatakot na ako.

Naramdaman kong may malamig na bagay na nakatapat sa ulo ko. I know it was a gun. Mas natakot ako doon dahil alam kong kapag kinalabit niya ang gatilyo ay siguradong dito na magtatapos ang buhay ko at ayokong hanggang dito nalang. Not now, not this way and not here!

I kick his groin with full force dahil free ang paa ko kaya iniiwas ko agad ang ulo ko, mabuti nalang at nakaiwas ako bago pa man niya ito maiputok. Pero nabingi ako dahil sa sobrang lapit ng putok na iyon sa tainga ko.

I felt dizzy, wala akong makita pero alam kong may pumasok at pinaputukan si De Vera gamit ang baril niya. Gulat kong tinignan ang walang buhay na si De Vera na bumagsak sa lapag kahit wala akong makita sa dilim ay ramdam ko naman ang nasa paligid ko. He's already dead.Shit. This... This is not part of our plan too. What's happening?

Pilit kong inaninag ang taong may gawa nito. But before I could see clearly he grabbed me and dragging me out of the room! Pero hindi sa pintong pinasukan niya kundi sa pintong nasa pader at nakalabas or should I say nakapasok kami sa kabilang kwarto.

At first I thought it was Charles or Levy na nasa bintana lang or si Jyeo, but none of them will drag me like this, nasasaktan ako sa paraan ng paghila niya and he covered my mouth with his hand.

Narinig ko sa earpiece ang boses ni Jyeo at tinatanong ako kung okay lang ako at nasaan ako pero hindi ako makapagsalita.

Kaya pala hindi nakapasok dito sila Levy dahil may nakalaban din sila sa labas. What the hell did just happen?

Mafia Boss 1: Saved By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon