I was so silent the whole time when Charleez arrived. Everyone welcomed her and they're happy to see her again.
Confirmed.
She's Jyeo's wife. Parang hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. I feel hurt and why do I feel this? Nakakainis!
Bakit hindi ko iyon alam? Bakit hindi ko alam na may asawa na pala itong katabi ko?
She calls him 'baby'. And then kanina nang nasa company kami ay nagkukulitan silang dalawa. He even smiled at her when he can't do it in front of anyone.
And now, this family knows her well. At ang sinabi niya kanina na, she feels great eating with them again after for a long time. So does it mean she was away? Work maybe?
Ang gulo, pero isa lang ang sigurado ako. Asawa siya ni Jyeo. She's Charleez Grimes! And she's my freaking secretary? But why?
At wala akong maalala na may kapatid pa sila ate Savv bukod kay... what's her name again? Ah basta hindi iyon Charleez!
I excused myself dahil I guess kailangan ko ng hangin. Pero imbes na sa labas ako pupunta ay sa banyo ako dumeretso dahil I need to pee.
Pagkatapos ay tumingin lang ako sa repleksyon ko sa salamin.
Ngumiti ako ng pilit. I was really happy dahil I never expected na may mangyayaring ganito sa araw ng kaarawan ko. This is too much! No words can describe how happy I am, until this night when I confirmed that Charleez is his wife. Hindi dapat ako makaramdam ng inis, ng lungkot, ng sakit dahil sa nalaman ko pero bakit ganon ang pakiramdam ko?
Is it because hindi nila sinabi sa akin na may asawa na pala si Jyeo?
Or
Is it because, nagugustuhan ko na siya kaya ako nasasaktan ng ganito?
Damn! Maling-mali eh. I have a boyfriend. He has a wife.
If ever man na totoo itong nararamdaman ko, I should stop this feeling. Wala rin akong mapapala dahil pagmamay-ari na siya ng iba, and he doesn't feel anything for me. Yung batong 'yon? Makakaramdam? Of course not! With his wife yes, but with other person like me? Definitely not!
Atsaka bakit ko ba iniisip to? Damn, sobrang mali...
Naiiyak ako na ewan, bakit kasi naisip kong nagugustuhan ko siya? Feeling ko tuloy mas lalo kong dinadagdagan ang kasalanan ko kay Zaki.
Nagulat naman ako when someone broke into this comfort room. Mabilis niya akong hinila at ako naman ay nagpumiglas, he even covered my mouth.
He was wearing a black cap and a black mask. Damn! Ito na ba ang sinasabi kong papatayin nila ako dahil sa pagpapakita ko after how many months. To think na marami ang naghahanap sa akin. The ones who killed my parents, and the one who bought me. O kaya si Tito. Nanginig ang buo kong katawan sa takot. No...
Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas. Kaya ko namang sumuntok pero parang alam ng lalaking 'to kung saan dapat ako hawakan para hindi ako makagalaw. Hanggang sa makapasok kami ng kotse at doon lang niya ako pinakawalan. Inihanda ko na ang kamao kong suntukin siya at umalis sa sasakyang minamaneho nang kung sino, when...
"Veni, it's me..." He said at tinanggal niya ang mask niya.
Biglang tumulo ang luha ko.
"Shhh, I'm sorry." He hugged me.
"Z-zaki..."
"I'm sorry, natakot pa kita," bulong niya habang yakap niya rin ako.
Hinampas ko naman ang likod niya habang magkayakap pa rin kami. I thought I'm gonna die this night. I was so scared.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 1: Saved By Him
Romance|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS: SAVED BY HIM *** She- Venice Ithalia Watson experienced hell. She has nothing when she escaped from her worst nightmare. She met HIM- J Yeovil Grimes...