5: Ithalia

80.4K 2.3K 297
                                    

Ilang oras na rin ang nakalipas simula nang ihatid ako ni Jia sa kwarto. Iba ito sa dating kwarto na tinutuluyan ko dati.

Nag-iisa na naman ako sa kwarto. I hate being alone. Baka kung ano na naman ang gawin ko sa sarili ko once the demon will try to get in my mind.

Hindi ko alam kung anong ginawa ko to deserve this kindness of Ate Savv. Also her family. Yes, I confirmed na mas matanda siya ng anim na taon sa akin after niyang sabihin kung ilang taon na ako, dahil pati iyon ay hindi ko rin alam. Pangalan ko lang ang alam ko dahil iyon ang sinabi sakin ni tito.

Siya ang nag-asikaso sa hospital bills ko, dahil siya pala ang may-ari ng ospital na iyon.

Actually, when she said na makakuwi na ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I don't have a house or apartment to go to. I don't have money. Sabi ko nga, walang wala ako.

Pero nawala lahat ng pag-iisip kong iyon nang sabihin niyang pwede akong tumira sa bahay nila hanggang sa makahanap ako ng trabaho at bahay.

Who am I to not accept the offer? Nakakahiya man pero kinapalan ko na ang mukha ko at pumayag ako sa gusto niya.

Kaya sinabi ko sa kanya na pagtatrabahuan ko nalang ang kabutihang loob niya. Hindi ko alam kung nakapag tapos man ako ng pag-aaral, pero minsan napaginipan ko na nakasuot ako ng toga, kasama ang mga magulang kong sobrang saya sa loob ng isang sasakyan. Sinabi ko sa sarili ko sana totoo nalang iyon. Sana totoong naka-graduate ako, sana totoo yung nakita kong saya ng magulang ko. Sana totoo nalang yung mga taong nakita ko sa panaginip na iyon.

Para akong nasa isang walang hanggang kadiliman, nag-iisa, tila may kulang. Hindi ko alam ang totoo kong pagkatao.

At ang nangyari kanina. Jin. Jin Watson. Iyan ang sinabi ng lalaki kanina at kung hindi ako nagkakamali ay tatay iyon ni Ate Savv. Na kuhang kuha naman ang kagwapuhan nito ng kanyang anak na lalaki, si J Yeovil. Iyan ang sinabing pangalan ni ate Savv sa akin na ipinakilalang kapatid niya.

May mali siguro sa utak ko, bakit pati ang mga magulang ko ay hindi ko matandaan. Hindi ko alam ang totoong pangalan nila. Wala akong matandaan. Hindi rin naman sinabi sa akin ni tito ang tungkol sa kanila.

Kaya nang tanungin ako ng kanilang Daddy, ay hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil hindi ko naman talaga alam kung iyon nga ang pangalan ng aking ama.

Gusto kong malaman pa ang tungkol sa kanila.

Buhay pa ba sila? Pero kung buhay pa sila bakit? Bakit hindi nila ako hinanap at kinuha sa mga kamay ni tito? Bakit hinayaan nila akong masaktan at mabuhay ng ganon? Hindi ba nila ako mahal?

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko alam na umiiyak na pala ako kung hindi lang tumikhim ang taong nasa loob ng kwarto. Hindi ko man lang napansin o narinig na pumasok siya.

"Seems like you're in a deep thought, care to share?" Si Ate Savv.

"Ahmm about lang sa... sa sinabi ng daddy mo. Tungkol sa tatay ko. Bakit hindi ko kilala o matandaan man lang ang magulang ko?" Pagpapaliwanag ko. Salamat kay ate Savv dahil natuto ulit akong magsalita at kuma-usap ng tao. Dahil sa matagal na pamamalagi ko doon sa kwartong iyon, walang kahit na sino, hindi ko alam na kapag nagtagal pa ako doon ay tuluyan na akong mabaliw.

Umupo siya sa gilid ng kama. Katabi ko. "Yes he is your father. Jin Watson. Kaibigan siya ni Daddy, years ago." She smiled pero may hint ng lungkot ang ngiting iyon.

"Kilala mo siya? Kilala mo ba ang mga magulang ko?" Tanong ko, umaasang may nakukuha man lang akong kahit kaunting impormasyon tungkol sa mga magulang ko.

Mafia Boss 1: Saved By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon