Levy Duval
Gusto kong umiyak at sumigaw at sapakin si Charles nang makita naming apat na gumalaw ang mga daliri ni Boss at unti-unti niyang imulat ang mga mata niya. Tumawag kami agad ng doktor.
Nagsi-lapitan si Savv at ang iba pang mga doctors at nurses niya para e-check siya. Pinalabas muna kami saglit.
Finally, he's back and I'm lost for words to describe how happy I am right now. Pinakaba rin kami ng sobra. Akala ko magtatagal pa siyang matulog diyan sa kama ng hospital na pinaka-ayaw niya.
Nakakabakla mang sabihin pero mahal na mahal ko talaga 'yang si Boss, kahit nakaka-gagu yan minsan. Walang puso man ang paningin ng lahat sa kanya, they were wrong dahil hinding hindi siya magmamahal kung totoo iyon. Maraming bagay na ang nagawa niyang kabutihan. Actually mafia boss is just a title for him, malaki ang puso niyan kahit madalas hindi niya pinapakita. Isa lang naman kasi ang gusto ng mga Grimes at iyon ay ang hustisya para kay Bailey.
Tapos na nakuha na namin ang matagal na naming gusto.
At ang pinakahihintay naming magising siya ay nangyari na rin. Shit I feel like I'm crying!
"He's back." Bulong ni Mathieu, alam ko na masayang masaya rin siya ngayon.
"Tangina naiiyak ako!" sabi ni Roche. Nakita ko rin na nagpupunas siya ng luha. Even Joe's looking at the top to stop his tears.
Well you can't blame us, we just love Boss at alam kong pare-parehas kaming masaya sa mga oras na ito dahil gising na siya. Ilang beses din ba niya kaming pinakaba? Tatlong beses yon dahil tatlong beses siyang nag 50-50.
Hindi namin alam ang gagawin kapag nawala siya. Hindi kami kompleto kapag wala ang ang isang J Yeovil na leader namin.
But look at him now! Alive and ready to kill. Charot, sige make a baby nalang.
"Ang babakla niyo talaga," sabay sabay kaming napalingon kay Charles Mathiue.
"Balakajan. Tears of joy kasi ito ano ba?" Roche.
Charles just shook his head. Akala mo hindi rin siya naiiyak ngayon. Psh.
Sama-sama kaming apat na naghihintay sa magandang resulta. Shet, hindi na ako makapag hintay na pumasok ulit sa loob para yakapin si Boss.
Nakakamiss din pala ang pamatay niyang tingin. Pati mga utos na nakakamatay din. Handa akong mapag-praktisan, handa akong maging punching bag niya basta ang mahalaga nagising na siya!
Pero syempre joke lang iyon. Hindi niya naman siguro gugustuhing dagdagan pa ang mga bangas na natamo ko nang pasukin namin ang lungga ni Del Salvador. Oo sa maniwala kayo at sa hindi, parang mga tangke sa mobile legends at full builds pa ang mga nakaharap namin doon. Akalain mong limang bala pa ang dapat bumaon sa katawan nila bago sila mamatay? May itinurok palang kung ano kaya sila ganon. Part ng invention ni Del Salvador at ang kanyang mga chemists. Pero kahit lumaklak sila ng isang drum ng gamot hinding hindi nila kami matatalo. Masusuntok lang sa iba't ibang parte ng katawan pero lalaban pa rin.
We were trained by Mr. G, isama pa ang anak niyang si Boss na isa sa mga taong pinaka-malakas na nakilala ko, kaya hindi kami basta mapapatumba. Tsaka kasama namin ang isa pang mafia boss na si Zam Kinsley, nakakahanga rin ang galing niya sa pakikipagpatayan. Walang dudang naging Boss din siya.
Pero syempre may mga ibang tauhan na nalagas din, hindi naman maiiwasan iyon dahil magagaling din ang tauhan ni Del Salvador.
Savv went outside kasama na ang mga doktor at nurses. Nagsilapitan naman kami sa kanya.
She's smiling widely at naiiyak din ito dahil siguro sa saya.
She hugged Joe. Of course.
"He's already fine," nagsitawanan kaming parang tanga sa labas ng kwarto ni Boss.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 1: Saved By Him
Romance|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS: SAVED BY HIM *** She- Venice Ithalia Watson experienced hell. She has nothing when she escaped from her worst nightmare. She met HIM- J Yeovil Grimes...