Nasa veranda ako ng kwarto nang makita ko si Jyeo, papalapit sa kotse niya. He's leaving I guess. Pero 'di pa siya nakakapasok nang mapatingin siya sa gawi ko.
Hindi ko alam kung magtatago ba ako o ano but it's too late to hide. He already saw me, watching him.
Hindi rin naman nagtagal at pumasok na siya. Just like that. Hindi naman ako nag-eexpect na ngingiti siya sa akin or kakaway man lang dahil wala sa personality niya 'yon. Ni hindi ko pa nga siya nakitang ngumiti kahit kailan.
Pinanuod ko lang na umalis ang sasakyan hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
Kaya lang naman ako nandito sa veranda dahil lumalanghap ako ng sariwang hangin. Amoy lang naman ng hospital ang naamoy ko for almost a month.
At sa tingin ko ay napaka-haba na ng pahinga ko sa hospital kaya ayokong matulog o magmukmok sa malaking kwarto na ito. I might go downstairs and have talk with someone. Kung sino man ang nasa baba. Kahit pati yung mga naka men in black with guns makikipag chikahan ako, pwede ko ring tanungin sila kung bakit ganon sila karaming nagbabantay sa mansion na ito.
This is the new me, yung pakiramdam bang gusto ko lagi ng may kausap. That one month ang tanging nakakausap ko lang kasi ay ang tatlong doktor na inoobserbahan ako. Si Ate Savv, minsan naman sila Tita at Mr. G, kung nandoon sila.
I knew I've changed. Thanks to them.
Bumaba na ako, magpapaliwanag nalang ako kay Ate mamaya kung makita man niya akong hindi nagpapahinga.
Nakita ko naman ang apat na naga-gwapuhan sa sala. Hindi ko maipagkakailang all of them have these looks that can make all women stopped and stare. Including me. Pero Jyeo is way more handsome for me. Ngayon ko lang na-appreciate ang lahat. The treatment really helped me a lot kahit nakakapanibago, it's like mapapatanong nalang ako sa sarili ko if this is me or someone possessed me.
"Yow, Ms. Watson." It was Levy, nagtinginan naman ang lahat sa akin. Ngumiti ako ng tipid tapos naglakad papalapit sa kanila.
"May kailangan ka ba Ms. Watson?" Tanong ni Joe.
"Salamat..." I said, nakita ko naman ang mga mukha nilang naguguluhan. "Sa lahat ng ginawa niyo para sa akin." I added. I just wanna say thank you. Kahit na hindi maganda ang unang encounter namin.
"Ah hehe, 'yon ba? Wala 'yon Ms. Watson..." Harvie. "And we can't say no to orders you know?" Tapos nagtawanan kami, gets ko naman. Baka utos ni Jyeo.
"Maupo ka Ms. Watson." Joe. Tumango ako at umupo sa pang-isahang upuan. Lahat naman sila nakatingin lang sa akin, baka nagtataka sa inaakto ko, dahil ibang-iba talaga ako dati.
"Huwag niyo na akong tawaging Ms. Watson, napaka-pormal naman. Venice o Ithalia nalang." Nakakahiya kasi, kanina pa nila ako tinatawag na 'Ms. Watson'.
"Sure! Ithalia." Levy with his high pitched voice. Tumango nalang ako at napangiti.
"Ahm... anong ginagawa niyo?" tanong ko. I wanna join kahit feeling close lang.
"Ah wala naman, katatapos lang kasi naming manood ng movie..." Turo niya sa flatscreen, "sayang 'di mo napanuod, pero pwede namang manuod ulit tayo kung gusto mo." Levy. Wala namang sinabi yung iba.
"Ah hindi. Nakakahiya naman."
"Okay?" Levy. Not certain what to say.
"Okay lang talaga," ngumiti ako.
"So, anong gusto mong gawin?" Si Harvie ulit.
"May tatanungin lang ako."
"Go on."
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 1: Saved By Him
Romance|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS: SAVED BY HIM *** She- Venice Ithalia Watson experienced hell. She has nothing when she escaped from her worst nightmare. She met HIM- J Yeovil Grimes...