43: Ithalia

39.5K 1.1K 60
                                    

I woke up with a heavy head, umiikot ang paningin ko. I blink a couple of times already para kahit papaano ay luminaw ang paningin ko.

What the hell did they do to me? Ang huling naalala ko lang ay nawalan ako ng malay dahil sa pinaamoy nila sa akin while I was in the car. Inilibot ko ang paningin ko at nasa isa akong kwartong puro puti. What the heck is this place?!

I tried to get up, pero hindi ko magawa dahil nakagapos ako. Isang makapal na bakal na parang posas ang nasa magkabilang kamay ko. Even my feet were locked on that metals.

May malaking ilaw ang nasa tapat ko ngayon habang nakahiga. The lights look like from the operating room. What the hell is gonna happen now?

Bakit feeling ko may hindi magandang mangyayari?

Shit. Nahanap na ba ako ni Zaki? Gusto kong abutin yung pin na serves as a nano tracking device sa damit ko. It's a special pin that Zaki gave me before, dahil sa desperado akong mahanap ang mga taong pumatay kay Bailey kaya niya binigay sa akin iyon. He's afraid na baka mawala ako sa paningin niya at kung anong mangyari sa akin kaya he always tracks where I am. Nilalagay ko lang iyon sa loob ng bulsa ng pants ko before. Or clip it sa damit ko. Hindi mahahalatang isang tracking device iyon dahil sa pin lang talaga ito na design lang. Thank God ay kinuha ko iyon bago pa ako kunin nung mga lalaki sa bahay, lagi ko nang dala iyon nang makalabas ako sa ospital just in case. May pinindot lang ako doon para mai-on iyon kanina and maybe that gives alert to Zaki. Kaya kung papalarin may chance na mahanap niya ako.

Kamusta na kaya si Jyeo?

Naging totoo ba si Franco sa sinabi niya na hindi niya gagawin ang binabalak niya dito kapalit ko?

But what the heck is this game? Bakit ako nakagapos? Ano na namang binabalak ng Franco na 'yon?

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay biglang bumukas ang metal na pinto. There was the demon walking towards me with a grin on his lips.

I tried calming myself dahil sa tuwing nakikita ko ang demonyong ito ay naalala ko lahat lahat. Kung paano namatay si Bailey at ang mga magulang ko. Kagagawan niya ang lahat sa simula't sapul pa lamang. At hinding hindi ko siya mapapatawad.

Kinuha niya ang mga mahal ko sa buhay, buhay niya ang magiging kapalit.

"Finally you're awake! But it doesn't matter though, matutulog ka naman ulit at paggising mo you're new you." Tumawa siya na parang demonyo, which suits him dahil isa siyang demonyo.

"What do you mean?" Tanong ko. I should not show fear.

"Hindi ko alam na magpapauto ka, pero sabagay who wouldn't do anything for the love of her life 'di ba? Hindi ko lang alam na gagana ang plano kung iyon but look, it's like nasa panig ko ngayon ang tinatawag na success. And that is to kill that fucking Grimes." Bigla akong kinabahan. Si Jyeo. Ligtas ba siya?

"Anong ginawa mo sa kanya? Sumama ako to spare his life and now that I'm here sumunod ka ba sa sinabi mo?!" I gritted my teeth. Lumapit siya sa akin at pinasadahan ang mukha ko ng nga daliri niya.

Get your fucking filthy hands off me! Isisigaw ko sana pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Sa kasamaang palad, he knew before I could tell my men to shoot him to death. Matalino talaga ang gago. But I guess mas matalino ako. Hindi man siya namatay, nasa akin ka naman. All I need to do is to do the plan B." Nakahinga ako ng maluwag when he said he's alive. Thank goodness, now that I knew he's still breathing kailangang lumaban din ako.

Pero anong sinasabi niyang plan B?

Nauto ako ng gago. Shit. But I was really scared for Jyeo's life so I chose to go with Del Salvador in order to save Jyeo's life.

Mafia Boss 1: Saved By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon