-5-

1.2K 24 0
                                    

CHAPTER FIVE

Carmela

Limang araw matapos kaming lumuwas galing Maynila ay marami na rin kaming napuntahan nina Thunder at Pepper. Si Thunder ang naging tour guide namin.

Halos lahat ay sagot niya kaya nga kahit papaano ay nakakalibre ako ng gala. At sa limang araw na andito na kami sa Maynila ay hindi ko pa naki-kwento kay TOP na asa Maynila na ako. gusto ko kasi syang sorpresahin eh.

At ngayon nga ay nasa Mall kami at nag-i-ikot-ikot. Asa ground floor kami ng Mall ng mapansin namin na maraming tao sa may activity area ng Mall. Puro mga babae ang mga yon.

“Ate Cam, halika tignan natin baka may artista” sabi niya saka ako hinila.

Nakasunod lang sa amin si Thunder.

Nang nasa may tapat na kami ng maraming nagkukumpulang babae ay sumiksik si Pepper dahil hawak-hawak niya ang kamay ko ay napatianod na rin ako. Maagap namang nagagap ni Thunder ang kamay ko kaya pati tuloy siya ay sumunod na rin sa pagsisiksik.

Nang nasa mismong railings na kami na naghahati sa mga taong nakatayo sa mga nakaupo ay huminto na rin sa paghila si Pepper.

“Ate Cam tignan mo oh. Yong BB andito” malakas na sabi niya dahil maingay sa pagdadaldalan ng mga tao.

Napatingin ako sa may tarpaulin na nakalagay sa may stage. Picture yon ng BB. At may roon pang tig-isang picture ang bawat myembro non na nakapaskil sa stage.

“Ready na ba kayong lahat?” tanong ng lalaking kaakyat lamang sa stage.

Nagsihiyawan naman ang mga fans ng BB.

“Gusto nyo ba silang makita Belovers?” sigaw ulit nito.

Nakarinig ako ng hiyawan at saka mga sigawan na “I love you BB”.

Saka lang nagsink in sa utak ko. Asa Maynila ako at hindi ko pa iyon nasasabi kay TOP.

Oh shit. hindi niya ako pwedeng makita ngayon. Lalo na at kasama ko si Thunder.

Alam ko naman na wala kaming ginagawang masama ni Thunder pero kasi baka kasi isipin ni TOP na nagsinungaling ako. Actually miss na miss ko na nga siya eh. pero hindi pa ito yong right time para magkita kami.

“So, Let’s welcome, belovers our Beloved Boyz” sabi ng emcee saka nagsilabas ang isa-isang myembro ng BB.

Halos di ako makahinga lalo na ng huling lumabas ay si TOP. It has been months since I last saw him. Hanggang ngayon ay ganun parin ang epekto niya sakin.

Lumakas ang tibok ng puso ko.

“Hello belovers” isa-isa nilang bati.

Naghiyawan naman ang mga Belovers.

At after non ay kinanta nila ang new song nila.

Habang kinakanta nila iyon ay kay TOP lang ako nakatingin. Napatingin siya sa direksyon kaya dali-dali akong tumalikod. Hindi niya ako pwedeng makita.

“Hey” pansin sakin ni Thunder saka ako hinawakan sa may siko.

“Are you okay?” tanong niya.

“N-nahihilo lang ako” saad ko kahit ang totoo ay hindi naman.

Gusto ko lang talagang umalis doon.

Narinig ko na tinawag niya si Pepper saka hinawi ang mga tao para makadaan kami.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalabas kami mula sa mga taong nagkukumpulan.

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon