-29-

822 15 0
                                    

CHAPTER TWENTY NINE

Andito kami ngayon sa may dressing room ng BB may prod number sila sa ASAP 19 ngayon. At syempre bilang dakilang PA ng BB ay narito ako at nag-aasikaso ng mga gamit nila.

May kumatok sa pinto kaya ako ang nagbukas. Inaayusan kasi ang BB.

“Excuse me, Inivitation letters galing kay Mr. Natividad” sabi nito saka inabot sakin yong invations.

Umalis na rin siya pagkatapos non. Sinara ko na ang pinto at saka humarap sa BB.

Si Mr. Natividad ay ang presidente ng Magazine kung saan ang BB ay ang syang model noong nakaraang buwan.

“May nagpapabigay galing daw kay Mr. Natividad” sabi ko saka inabot sa kanila isa-isa ang invitations.

Matapos kong maiabot yon lahat ay naupo na ako sa may sofa doon.

“Sa Friday na pala ang kasal ni Maggie” sabi ni Sun.

“Look dude, kasama pala tayo sa groom’s men” sabi ni Tobi.

“But TOP is the best man here” sabi ni JV.

Napatingin ako kay TOP na busy sa pagbabasa ng invitation habang inaayosan ang buhok nito.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa non si Mngr. Park. Pinaalis niya ang mga nag-aayos kay TOP at saka niya ako tinignan.

“Ms. Frias, can you please buy some drinks outside” sabi nito saka nag-abot ng 500 pesos sakin.

Tumango naman ako saka na lumabas ng dressing room.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may pag-uusapan na masinsinan si Mngr. Park at ang BB.

Naglakad-lakad ako at bawat dinadaanan ko ay minsan may nakakasalubong pa akong artista. Nginingitian ko lamang sila.

Pababa na ako sa hagdan dahil nasa 1st floor ang coffee shop. Bibilhan ko na lang sigurp ng ice coffee ang BB.

Nang makapasok ako roon ay nakita ko ang grupo ng kababaihan na alam ko na kasama sa Belovers fans club.

Nang dumaan ako sa table nila ay narinig ko ang pag-uusap nila.

“Grabe talaga, totoo daw na may kasama si TOP kahapon na babae habang tumatakbo sila sa mga fans.” Sabi ng isa.

“Sabi nga nila hindi daw si Hera eh. Di daw artista. Sino kaya yon noh?”

“Baka naman secret girlfriend ni TOP”

“Oh no! No way! Nakita nyo ba ang face niya?”

“Nope, hindi eh. Malabo kasi ang kuha ng picture at saka nakatalikod yong babae eh” sabi naman nong isa.

Di ko na sila pinakinggan pa. Tumuloy na ako sa may counter.

Grabe alam na nila. Pano kung nakita talaga yong mukha? Edi bulgar na ang sikreto namin ni TOP.

Kinakabahan ako habang naglalakad papunta sa dressing room ng BB bitbit ang mgaice coffee na binili ko.

Pinihit ko nag seradura at papasok na sana ako ng marinig ang boses ni Mngr. Park.

“Tell me, TOP sino ang babaeng kasama mo kahapon? Akala ko ba nasa bahay ka at nagppagaling. Pero andon ka sa Mall at may kasama ka pang babae?!”

Narinig ko ang galit na boses ni mngr. Park.

“She’s nothing.”

“Nothing?! Alam na ito ng mga fans mo at kalat na kalat na sa media ang babaeng kasama mo sa Mall. So Tell me, sino ang babaeng yon?”

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon