-38-

986 19 5
                                    

CHAPTER THIRTY EIGHT

Minsan sa sobrang saya mo akala mo nandon kana sa point na makakamtan mo na ang happy ending na hinahangad mo.

Minsan kelangan mo ring maramdaman ang tinatawag na lungkot para sa huli ay maging masaya ka. Pero itong nararamdaman kong kalungkutan ngayon sa huli ba ay magiging masaya ako???

Isang buwan matapos ang araw na nagpunta si TOP sa bahay namin. Isang buwan din akong naging usap-usapan sa school at sa mga social networking site dahil nga alam nila ay boyfriend ko nga si JV. Pero paglaon ay nawala din naman pero yong tingin nila sakin ay di parin nawawala.

Nakalabas na ako ng school para sana umuwi. Half day lang ang klase namin dahil nagleave ang professor namin. Naghihintay na ako ng masasakyang jeep. Nang may humintong sasakyan sa harapan ko. Akala ko ay si TOP yon ngunit hindi pala. Dahil nakita ko ang driver ng sasakyan ng binaba nito ang bintana ng front seat.

“Jasper” yan ang tawag ko kay JV kapag nasa public ako.

Sumenyas siya na pumasok na ako sa loob ng sasakyan niya.

Pumasok naman ako at naupo sa front seat. Pinaandar niya ang sasakyan.

“Bakit?” tanong ko sakanya.

Napatingin ako sakanya. Nakatingin parin siya sa may daan.

“Starbucks tayo, my treat” sabi niya…

“Okay sige” sagot ko naman.

***

“Top will go to Korea, Carmela” narinig kong sabi ni JV sakin.

Andito kami ngayon sa may Starbucks para magkape. Nilibre niya ako eh. Talagang napunta pa siya ng school para lang ilibre ako. Yon pala may sasabihin siya sakin.

Napahinto ako sa akmang pag-inom ng kape ng dahil sa narinig.

“Bakit daw?” tanong ko sakanya.

“Di niya sinabi sayo? His father is sick and he wants to see TOP” sabi ni JV.

“S-sinabi niya sakin. N-nakalimutan ko alng siguro” I lied.

Ang totoo ay wala namang sinabi si TOP sakin tungkol sa pag-alis niya papuntang Korea. Nabigla ako sa sinabi ni JV. Matagal ng gusto ni TOP na magpunta ng Korea para makita ang ama niya. At ngayon ay matutupad na yon.

“Mabuti na rin na makita ni TOP ang Papa niya. Matagal na nyang hinangad yon at last na-recognize na rin siya ng Papa niya” sabi ko.

“He also wants TOP to manage his company, Carmela. It is a serious matter, TOP will gone for many years. Di mo ba siya pipigilan?” tanong niya.

Umiling ako.

“TOP knew his priority in life. Nabuo na niya ang pangarap na yon nong wala pa ako kaya ayokong maging dahilan ng pagkasira ng pangarap niya dahil lang dumating ako sa buhay niya.”

Kinakabahan ako sa narinig kong balita mula kay JV. TOP will go to Korea but he doesn’t even tell me. Marami tuloy akong naisip na ‘what ifs’. What if matatagalan syang bumalik? Babalikan pa ba niya ako? Pano yong kaming dalawa? Maghihintay ba ako? Ang daming what ifs ang nasa isipan ko ngayon.

“Carmela”

Ngumiti na lang ako kay JV. Gusto kong iparating na okay lang ako sa pamamagitan ng ngiti kahit na ito ay di man lang umabot saking mga mata. Deep inside I’m not really okay.

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon