-16-

975 17 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Kanina pa kami nasa biyahe ni TOP. Yong isa nyang kamay ay nasa manibela at yong isa hawak ang isang kamay ko.

A sweet gesture from your boyfriend makes your heart freak out. Gusto ko tuloy magtatalon sa kilig habang hawak niya ang isang kamay ko. Baliw lang. I know. But I can’t help it.

Nang mag-red light ay tumingin siya sakin. “Why are you so quiet?” tanong niya sakin.

Oo nga bakit nga ba ako tahimik? Kanina lang noong asa party pa ako gustong-gusto ko syang lapitan para makausap pero ngayon nasa harapan ko na siya parang nakain ko yong dila ko at hindi ako makapagsalita.

“Na-star struck lang ako. Ang gwapo mo kaya” sabi ko sakanya.

He just smirked at me at saka niya niluwagan ang tie na nasa leeg niya. Suot parin kasi niya yong tuxedo niya kanina sa party eh.

“Tsk. I know that since birth” sabi nito sabay ngisi.

Natawa na lang ako. “Conceited ang OPPA ko” sabi ko sakanya.

“I’m just stating a fact here” sabi nito.

Teka bakit parang nasabi ko na ata yon dati hahaha. Shems. Ano to? Deja vu?

Nang mag-green light ay saka na siya umarangkada.

Matapos ang ilang minute ay nakarating din kami sa may park na malapit sa subdivision namin.

Walang katao-tao roon dahil alas-dies na ng gabi. Naroon lang kami sa may loob ng sasakyan. Hindi na kami bumaba pa.

Nag-take out na rin kanina si TOP ng midnight snacks namin na Pizza.

“Sobrang engrade ng birthday mo kanina ha. Star studded” sabi ko habang kumakain ng pizza.

“I want to have simple celebration but they insist it” sabi ni TOP.

Napatingin siya sakin Napapitlag pa ako ng punasan ni TOP ng thumb finger niya yong gilid ng labi ko.

“Ang kalat mong kumain” sabi niya.

Nag-pout lang ako. Bakit lagi na lang akong nasasabihan na ang kalat kong kumain? Makalat ba talaga ako???

“Siguro sobrang saya mo noh. Ang dami kayang magagandang models don” chika ko naman sakanya.

He just looked at me na para bang alien language yong salita ko.

“Why did you say that?” tanong niya.

“Napansin ko lang kasi” patay malisyang sabi ko sabay subo ng huling piraso ng pizza ko.

“Bakit naman ako magiging masaya? I don’t find them beautiful because my eyes only set on you. I can’t see them because I’m blinded by your goddess look” sabi nito.

Di ako nakaimik sa sinabi niya. Grabe magpakilig talaga ang lalaking to. Shems. Gustong magwala ng puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok.

“Hahaha. W-wagas kang makabola TOP ha” sabi ko sakanya.

Shems dinaan ko na lang sa joke para hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko. Tumingin ako sa labas ng bintana. Paniguradong tutuksuhin na naman niya ako  kapag nakita nyang namumula ang pisngi ko.

“Hey, Yoebo. What are you looking at?” tanong niya sakin.

“Wala lang” sabi ko. Wala naman talaga akong makita kasi madilim sa parteng iyon kaya imposibleng may makita ako.

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon