-9-

1.1K 22 0
                                    

CHAPTER NINE

Napatingin kami sa mga babaeng nagsisikumpulan sa isang table at nagsisibulungan at impit na tumitili.

“Anong nangyayari sa kanila?” tanong ko kay Delaney.

Delaney Del Gado ang pangalan niya pero mas gusto nyang tawagin siya Lane.

“Mga fan girls ng Boyz Beloved. Siguro pinagkukumpulan na naman nila yong binili nilang new issue ng magazine ng BB” sabi niya.

Napatango-tango naman ako. “Hindi mo type ang BB?” tanong ko sakanya.

“Hindi, fan naman ako, pero ayoko ngang aminin baka mamaya lumaki ang ulo ni Kuya Dae” sabi niya.

Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko. Kuya Dae ang tawag niya kay DAE?

“K-kuya Dae?” tanong ko sakanya.

“Hay naku, di ka naman maniniwala kapag sasabihin kong Kuya ko siya eh”

Kuya niya si Dae? Pero diba dalawa lang silang magkapatid ni Dredge? At saka magkaiba sila ng apilido? Pano sila magkapatid?

“Pano mo siya naging kuya?”

“Well, half brother ko lang siya. Second husband ng mommy niya ang daddy ko kaya ayun half brother ko siya” sabi niya.

Hindi ako nakasagot sa sinabi nya. Nagsi-sink parin sa utak ko yong sinabi niya na kuya niya si Dae.

“Tumawa ka na. alam ko na para sayo joke yon at nag-iimbinto ako.”

“H-hindi”

At saka kung Joke yon diba dapat hindi seryoso ang hitsura nito. Mukha namang nagsasabi ito ng totoo eh.

“Hindi ka ba matatawa at sasabihing nahihibang na ako dahil sinasabi ko na kapatid ko si Kuya Dae?” maang na tanong nito sakanya.

“Hindi. At saka totoo talagang kapatid mo siya? bakit hindi ka lumalabas sa TV katulad ni Dredge?” tanong ko sakanya.

“hindi pwede. At ayoko. Pag nalaman ng iba na kapatid ko siya hindi na magiging private ang buhay ko. Malamang na gagamitin ako ng ibang babae para mapalapit kay Kuya” sabi nito.

“Bakit mo sinasabi sakin yong sikreto mo?”

Kung sikreto iyon sa iba. Bakit nito sinasabi iyon sakin? bakit sa akin?

“Nasabi ko na rin sa iba yon, hindi naman sila naniniwala. Kaya hindi ko na sinabi sa iba pero ikaw naniwala ka sa sinabi ko.” Sabi nito.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya ang totoo o hindi.

“Nakikita ko naman na hindi ka nagsisinungaling.” Sabi ko.

“Salamat ah. ikaw lang kasi yong nagsabi sakin nyan. Hay naku! Wala akong kaibigan dito eh. friends na tayo ha” sabi nito.

Tumango naman ako sa sinabi niya.

***

Nagtext sakin si Thunder bago mag-uwian na di niya raw ako mahahatid pauwi kasi mayroon daw n daw kasi syang klase. Dapat eh same kami ng oras ng uwian kaso daw na-move yong klase niya kaya hindi na kami sabay uuwi.

Sinabi ko na lang na mag-ta-taxi na lang ako. sabi niya mag-ingat daw ako. Lalo na sa panahon ngayon na maraming masasamang loob.

Nasa tapat na kami ni Laney ng gate. Sabay kami sa uwian kasi magkaklase kami sa last subject. Sabi niya may susunod sakanya at ako ay naghihintay ng daraang taxi.

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon