-7-

1.4K 28 1
                                    

CHAPTER SEVEN

Matapos non ay nanood kami ng movie ni TOP. Marami yang movie sa unit niya eh. Lalo na ng mga action movies. Mahilig syang mangolekta ng ganun eh. gusto niya nga ring maging bida sa mga action movies.

Actually nagiging extra na rin siya sa mga teleserye at pelikula. Wala pa syang lead role dahil nga busy siya sa paggawa ng kanta para sa banda nila.

Matapos manood ay napagpasyahan naming kumain ng lunch ni TOP.

“You want to me cook for you?” tanong ni TOP sakin.

Marunong talagang magluto si TOP. Yan ang hindi alam ng karamihan. Minsan lang syang magluto. At sabi nga niya dati noong una niya akong nilutuan ay ako lang daw bukod sa Mama niya ang nilutuan ni TOP.

Actually never ko pang na-meet ang Mama ni TOP. Nakikita ko lang siya minsan sa TV kapag ininterview siya tungkol kay TOP. Hindi naman showbiz na tao yong nanay ni TOP eh. Private na tao ang Mama niya at may business itong sikat na salon na ngayon ay marami ng branch.

Base sa pagki-kwento ni TOP sa Mama niya ay napapansin ko na strict at medyo mataray ang Mama niya. Masyado nitong alaga si TOP. Syempre dahil isa lang syang anak at wala na syang Papa.

Ang Papa kasi ni TOP ay isang Korean. Nasa korea na ito sabi ni TOP. May malaking kompanya na ito roon at may sarili ng pamilya. Gusto nyang makita ang Papa niya para malaman nito na may anak ito sa mama niya. Kaya nga nag-showbiz siya dahil gusto nyang magpunta ng Korea. At nagsusumikap siya para hindi sabihin ng pamilya nito na naghahangad lang si TOP ng pera ng mga ito.

“So?” tanong sakin ni TOP.

Ngumiti naman ako. “Sige pero tutulungan kita” sabi niya rito.

“Yoebo. You don’t need to help me okay. Ako na ang magluluto. Just stay here. Manood ka lang ng gusto mong panoorin. Ako ang bahalang magluto” sabi niya saka tumayo at nagpunta ng kusina.

Sumunod naman ako sakanya.

“Sige na. ako na lang maghihiwa” sabi ko sakanya with matching puppy eyes pa.

Gusto ko kasi syang tulungang magluto eh. Actually di kasi ako ganun karunong magluto. Puro kanin at prito lang ang alam ko kaya nga gusto kong samahan siya eh. para matuto ako.

“Just sit there” sabi niya sabay turo ng upuan sa tabi ng kitchen table niya.

Umupo naman ako roon.

“Okay. So patutulungin mo na ako?” tanong ko sakanya habang nakalumbaba sa mesa.

Pumunta siya agad sa may refrigerator at kumuha ng ingredients doon.

“Still a NO. Just stay there” sabi niya.

“Anong gagawin ko rito? Titigan ka ganun?”

Tumingin naman siya sakin. “Just sit there and be my inspiration” sabi niya sabay wink.

Ang lakas talaga ng lalaking ito na magpakilig. Gosh ness…

Umiwas na lang ako ng tingin. Feeling ko namumula na ako sa sinabi niya.

Nag-umpisa na syang maghiwa ng mga ingridients. Menudo daw ang iluluto niya para sa akin para daw madaling lutuin.

Habang nagluluto ay nagkwe-kwentuha kami tungkol sa mga bagay bagay.

Nakakatawa nga na kung saan napupunta yong kwentuhan naming dalawa.

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon