-24-

960 20 0
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

Ilang linggo na ako sa pagiging PA ng BB. First week na ngayon ng Mayo at nalalapit na ang concertn ng BB. Kinakabahan ako at the same time excited.

Bumangon na ako sa kama at saka nag-inat-inat. Nagpunta ng CR saka ginawa ang daily routine ko at saka na ako bumaba at nagpunta ng kusina.

Naroon na sina Mama at Papa. Si Mama na nagsasalin ng sinangag sa plato at si Papa na bihis na bihis at umiinom ng kape habang kausap si Mama.

“Oh, gising ka na pala” sabi ni Mama sakin ng mapansin niya ako.

“Kain na ‘nak” pag-aya ni Papa.

Naupo naman ako sa may kaibayong upuan ni Papa at saka na sumandok ng makakain.

Si Mama naman ay naupo na rin at sinabayan kami ni Papa.

“Anong plano mo sa sabado?”tanong sakin ni Papa.

Napatigil ako sa pagsubo at napatingin kay Papa. Saka ko naalala sa sabado na nga pala ang Birthday ko at the same time Anniversary namin ni TOP.

Napakabilis ng oras noh. Akalain mong 2 years na kami this coming Saturday. Hays. I’m so excited to celebrate it with him.

“May trabaho po ako non, Pa” sagot ko naman.

May rehearsals nga pala ang BB at saka may mall tour din after.

“Di ka na maghahanda?” tanong naman ni Mama.

“Hindi na po” sagot ko naman.

Last year kasi ay naghanda kami kasi 18th birthday ko non. Ngayon ay 19th birthday ko kaya hindi na ako maghahanda.

“Okay sa labas na lang tayo mag-dinner kung ganon” sabi ni Papa.

Tumango ako. Magandang idea rin ang paglabas namin nila Papa. Di na rin kasi kami nakakalabas dahil busy sila eh at ako ay busy din sa pagta-trabaho sa BB.

***

Rehearsal ngayon ng BB at ako ay nakaupo lamang sa isang tabi habang pinapanood sila. Di katulad ng dati ay hindi na mainit ang ulo ni TOP. Masyado na syang pasensyoso ngayon.

Natutuwa nga ako kasi kahit papaano ay inaaral na nyang sumayaw ngayon kahit hindi yon ang forte niya.

Nagbigay ng 20 minutes break ang choreographer nila kaya inabutan ko na agad sila isa-isa ng tubig dahil paniguradong naiinom na sila.

Matapos yon ay rehearsal ulit. Halos hindi kami nakakapag-usap ni TOP dahil busy na sila talaga para sa concert. Minamadali na ang prod na gagawin nila at ng mga guest nila. Mamaya ngang hapon ay may rehearsal sila with the S6.

Matapos ang lunch break ay nagpahinga muna ang BB sa room nila. Dumalaw sina Merry at Alice at may dala pang J.Co. donuts. Nagulat sila ng makita ako roon.

“Carm??” bulaslas ng dalawa saka nagsiyakapan sakin.

Mas nauna nga nila akong niyakap kesa sa mga boyfriend nila eh.

“Bumibisita ka rin?” tanong sakin ni Merry.

“Hindi. PA ako” sagot ko naman.

Napanganga silang dalawa sa sinagot ko. “What? No way?” sabi naman ni Alice.

“Yes way. PA ako ng BB” nakangiting sabi ko.

“How?”

“Summer job lang.” sagot ko.

“Ganun ba.” sabi ni Merry saka umikot ang tingin sa dressing room ng BB.

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon