-25-

883 22 0
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

“Si TOP?” tanong k okay Tita Sally ng makasakay ako sa BB van.

“Asa condo pa niya. mamaya pa daw siya pupunta sa network” sabi ni Tita.

Napabuntong-hininga ako. Nakatingin ng mataman sakin si JV.

“JV, nakausap mo siya diba?” tanong ko sakanya.

Katabi ko si JV. Sina Dae, Tobi at Sun ay nasa likod.

“We talked. I guess he will understand you now” sabi niya.

“Sana nga. Sana malamig na ang ulo niya. Ayokong mag-away kami lalo na at malapit na ang anniversary namin”

Napatingin ang iba sakin. “OO nga noh. Anniversary nyo na this Saturday at saka birthday mo pa” sabi ni Dae..

“Tsk. Tsk. Dapat talaga magbati na kayo ni TOP. Sayang ang handaan eh hahaha” sabi ni TObi na binatukan naman ni JV.

“Sana nga maging okay na kami” sabi ko na lang. Humarap na ako sa labas ng bintana.

Hay TOP sana maging okay na tayo.

***

Pagkarating namin sa network ay inayusan na ang BB. May guesting sila ngayon sa isang radio station at sa MYX bilang MYX VJ part parin yon ng promotion ng concert nila.

“Hey where’s TOP? Bakit wala pa siya?” tanong ni Mngr. Park ng dumating siya sa dressing room.

“Sabi niya kasi susunod na lang daw siya” sagot naman ni Tita Sally.

“Make sure na dumating siya ngayon. He’s needed here” sabi nito saka na lumabas ng room.

Tinignan naman ako ni Tita Sally.

“I will call him. Dyan muna kayo” sabi nito saka lumabas ng room.

Napatingin naman sakin si JV at saka nagkibit-balikat. Hindi kaya galit parin siya kaya ayaw nyang pumunta? Pero professional si TOP eh hindi niya i-indianin ang mga kasama.

Biglang bumukas ang pinto at saka pumasok doon si Tita Sally.

“He’s not answering his phone.”

“Ahm, tita. Pupuntahan ko na lang po siya sa unit niya” sabi ko.

Napatingin siya sakin. “Are you sure? Baka papunta na yon dito”

“Okay lang po. Sige po aalis na po ako” sabi ko saka na ako lumabas ng room.

Pagkalabas ko ng network ay nag-taxi ako para makarating sa condo ni TOP. Buti na lang at hindi ganoong ka-traffic kaya nakarating din ako almost an hour.

Pagkapasok ko ng building ay nagpunta agad ako sa reception desk.

“Hi ahm. si Mr. TOP Choi?” tanong ko.

“Sino po sila Ma’am?” Tanong ng babae sakin.

“I’m his PA.” sagot ko naman.

Tumawag ito kay TOP. “Mr. Choi, andito po ang PA nyo.” Saad nito.

Nag-yes ito saka na tinapos nag tawag.

“He’s still upstairs ma’am. 12th floor ma’am. Sa may last room po. Pwede na po kayong umakyat” sabi nito ng nakangiti sakin.

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon