-20-

998 19 1
                                    

CHAPTER TWENTY

Tapos na kaming kumain ng lunch at papunta na kami ngayon sa dressing room ng BB para maghanda sa guesting nila maya-maya sa Showtime.

Andito ako sa may sofa at nakaupo habang sinasabi sakin ni Tita Sally ang mga gagawin. Tita na rin daw ang itawag ko kanila kasi girlfriend naman daw ako ni TOP. And of speaking of TOP inaayusan na sila ngayon ng mga make up artist.

Nakikinig lang ako kay Tita Sally habang lumilinga sa dressing room ng BB.

May kumatok kaya tumayo na ako para pagbuksan iyon. Isang babae ang pumasok na may tulak-tulak na single rod dryer kung saan nakalagay ang mga damit ng BB.

“Ito na yong susuotin nyo po sa guesting” pagkasabi non ay saka na ito umalis.

Inilagay sa tabi iyon saka bumalik ulit sa sofa katabi ni Tita Sally.

Matapos ang ilang minute ay natapos na rin sa pag-aayos sa BB at saka na sila nagsuot ng damit para sa guesting.

“Guys, you have 10 minutes before kayo lumabas” sabi ng assistant director ng Show.

Nakaupo lamang ang BB sa back stage. At ako naman ay heto at nakatayo at napapanganga kapag nakakakita ng mga bago para sakin. Marami rin akong artistang nakikita rito na paroon parito kaya medyo nakakailang lang eh. Ang gaganda at ga-gwapo kasi nila.

“Dyan ka lang muna, Carmela ha. I need to anwer this” sabi ni Tita Sally ng mag-ring ang phone niya.

Umalis muna siya sandali kaya naiwan ako sa BB.

“Sit here” sabi ni TOP habang tinatapik ang upuang katabi nito.

“Dito na ako” sabi ko sakanya. Ayokong tumabi baka kasi mamaya ma-chika kaming dalawa dito.

Nakita kong tumayo siya saka lumapit sakin. He held my hand pero dagli ko rin iyong inalis agad.

“TOP”

“Yoebo” tawag din niya sakin.

“TOP, may makarinig sayo” sabi ko sakanya.

“Fine. Sit there then” sabi niya sakin sabay turo sa sofa roon.

Ang kulit talaga nito. Hays.

“Sige na. basta bumalik ka na doon” sabi ko sakanya.

Tumango siya saka bumalik sa upuan katabi ang ibang BB.

Umupo naman ako sa single sofa na naroon.

Nasa tapat ko ang BB na kung anu-ano ang ginagawa. Sina Tobi at Sun ay busy sa cellphone nila panigurado katext nila ang girlfriends nila. Si Dae naman ay kanina pa naglalaro sa tablet niya ng flappy bird hahaha. Napapapadyak pa nga siya kapag natatalo siya eh. Katuwa. Si JV naman ay busy sa kaka-selfie. Baliw talaga to kahit kelan. Err minsan nga napagkakamalan ko na syang bakla dahil sa pages-selfie niya pero napapangiti ako kasi nagpa-pout pa siya. Hahahaha. At si TOP naman ay ehem busy sa pagtingin sa akin??? Ehh ano ba naman yan, Oppa!!! Why are you making me kilig hahahaha…

Tinawag na ang BB para umakyat sa stage. Wala parin hanggang ngayon si Tita Sally eh. Buti at pinapasok ako ng staff kahit sa may gilid lang at least mapapanood ko ng live ang BB na magperform. Grabe pagtingin ko sa audience shems. Ang dami nila. May dala pa silang Banner ng BB nakakatuwa na suportado sila ng Belovers.

Habang kumakanta sila ay nagsisihiyawan ang mga fans. Grabe halos magwala sila habang nagpe-perform ang BB. Totoo namang maganda ang mga kanta ng BB at saka sobrang talented nilang lahat at gwapo pa. San ka pa diba?

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon