-17-

1K 14 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

It’s Summer time… One week after ng Mahal na araw ay narito ako ngayon sa kwarto ko. Nag-iisip ako ng maaring maging trabaho ngayong Summer.

Ayoko kasing tumambay lang sa bahay eh. boring kaya yon. Gusto kong magtrabaho. Dati kasi noong nasa probinsya pa ako ay tumutulong ako sa kapitbahay namin na may bakery shop syempre may bayad yon kaya kahit summer ay kumikita ako pero ngayon kasi wala ako sa probinsya eh. Saan ako maghahanap ng trabaho dito?

Wala sina Mama at Papa ngayon. Si Papa may trabaho at si Mama naman ay naggrocery. Haist. Kaboring.

Naglinis na lang ako ng bahay at saka nanood ng TV. After birthday ni TOP naging abala na sila ng BB for their upcoming concert this end of May. Magiging busy daw sila lalo na sa rehearsals at pagpopromote ng kanilang upocoming concert.

Kawawa naman si TOP Oppa ko…

Habang nanonood ako ng TV sabay nguya ng Mang Juan ay biglang nag-ring ang phone ko. Agad kong tinignan kung sino akala ko si TOP hindi pala. Si Ate Jo ang tumatawag.

“Hello, Ate Jo?”

“Hi, Carm, busy ka ba?” tanong niya sakin.

“Hindi naman po. Wala po akong summer class eh” sabi ko naman.

Akala siguro ni Ate Jo na nagsa-summer class ako.

“Really. Can I ask you a favor?”

“Ano po yon?”

“Pwede mo ba akong samahang mag-grocery? Wala kasi yong assistant ko at saka ang daming costumers ngayon sa resto wala akong mautusan” sabi niya.

“Sige po, Ate. Magbibihis lang po ako” sabi ko naman.

Sinabi niya sakin yong Mall kung saan kami magkikita at saka ko na binaba ang tawag.

Pagkabihis ko ay nag-ayos muna ako. Habang nagsusuklay ng buhok ay ang pagdating naman ni Mama.

“Oh san ang punta mo?” tanong niya sakin.

Sinabi ko na maghahanap ako ng trabaho. Hindi naman ako papagalitan ni Mama eh lalo na at sinabi ko na kasama ko si Delaney kahit hindi.

Alam ko na masamang magsinungaling. Simula noong naging kami ni TOP marami na akong nailihim sa mga magulang ko.

Hindi naman kasi kami ganoong ka-close nila Mama at Papa kaya nakaka-guilty lang na nagsisinungaling at naglilihim ako sakanila.

Nang makaalis ako ng bahay ay agad akong sumakay ng Jeep. Alam ko na kung paano pumunta roon sa SM Manila.

Kaya di na ako maliligaw. Pagka-baba ko ay agad akong tumawid. At nakita ko si Ate Jo na nakatayo sa may gilid ng entrance ng Mall.

Agad akong lumapit sa kanya. “Ate Jo”

Lumingon siya sakin at nginitian ako. “Let’s go?”

Tumango ako at sabay na kaming pumasok sa loob ng Mall.

***

“Ang dami naman po nito, Ate Jo”sabi ko sakanya habang tinutulak ang cart na naglalaman ng mga groceries. Dalawang malaking cart ang pinaglagyan ng mga grocery na pinamili namin ni Ate Jo. Para sa restaurant daw kasi yon. Marami daw kasing costumers kaya nakukulangan sila ng supply.

“Maraming costumers ngayon. Pasensya ka na ha at inabala pa kita.”

“Okay lang po yon, Ate Jo at saka maghahanap din po kasi ako ng trabaho kasi wala akong summer class ngayon” sabi ko sakanya.

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon