-36-

975 16 0
                                    

CHAPTER THIRY SIX

CARMELA

Unang araw ngayon ng pasukan. 2 days ago ay umalis na ako bilang PA ng BB. Bumalik na kasi ang original PA nila eh. Ngayon naman ang kahaharapin ko ay ang umpisa ng 1st sem bilang 4th yr. College.

Andito pa lang ako sa may gate ay pakiramdam ko ay ang dami ng nakatingin sakin.

Di na ako magtataka pa dahil alam ko naman ang ibig sabihin non eh. Kalat na sa lahat na ako ang girlfriend ni JV.

Habang papasok pa lang ako ay ang daming tumitingin sakin. May mga babae pa ngang tinataasan ako ng kilay. May mga iba pa nga ay nagbubulungan kapag dumadaan na ako.

Alam ko na ganito ang mangyayari sakin pero hindi parin ako naging handa sa pangyayari lalo na ngayon may sadya talagang bumunggo pa sakin.

“Aw, sorry paharang-harang ka kasi” sabi ng babaeng bumunggo sakin bago umalis.

Kahit inis man ako ay ayaw ko syang patulan. Anumang action kasi na gagawin ko ay paniguradong magre-reflect yon sa image ni JV. Inaalala ko naman si JV lalo na ang image niya kaya kung maari ay napaka-conscious ko sa bawat galaw na ginagawa ko.

Matapos kasi noong gabi na pumunta si JV sa bahay ay nagustuhan agad siya nila Mama at Papa. Di ko alam kung bakit. May dahilan kaya ang mga pangalan ng magulang ni JV sa pakikitungo nila Papa sakanya?

“Carm” tawag sakin ni Delaney.

Napatingin ako sakanya at nagtatakbo siya palapit sakin.

“Halika, may papakita ako sayo” sabi niya saka ako hinila papuntang bulletin board ng school.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang newspaper doon kung saan nakalagay ang picture ko at picture ni JV. Hindi naman yon ang kinagulat ko eh dahil ginuhit-hitan nila ng kung anu-ano ang mukha ko sa picture. Lahat ng tao roon ay napapatingin sakin.

“So totoo nga na siya yong girlfriend ni JV” sabi ng isang babae na nasa tabi lang namin.

“Wala syang ka-class-class” sabi naman ng isa.

“This is so unreal. She can’t be his girlfriend” sabi ng isa.

Agad lumapit sakin ang huling nagsalita at saka ako tinapik sa balikat. Actually di yon tapik kundi tulak.

“I don’t what did you do to him. Alam mo ba kung gaano namin kagusto ang BB at tapos isa sa members ng BB ay boyfriend mo pa? This is so unfair. How did it happen?!”

Hindi ko sila sinagot. Inaya na ako ni Delaney na umalis pero hinila ako pabalik noong babae.

“Wag mo akong talikuran. I’m still talking to you” sabi ulit nito.

“Excuse me, Hindi gusto ng kaibigan ko ang makipag-away so please lang. pwede bang paalisin nyo na kami?” sabi ni Delaney.

Hindi nakasagot ang mga babaeng yon dahil hinila agad ako ni Delaney palayo sakanila.

Pumasok kami ni Delaney sa classroom. Pati rito ay pinagtitinginan ako.

“Nakakainis na, ayoko ng ganito. Ayokong pinagtitinginan ako. Ayoko na may umaaway sakin.” sabi k okay Delaney.

Hindi ako sanay na pinagtitinginan at pinag-uusapan ako ng mga taong nasa paligid ko.

“Carm, wala tayong magagawa dyan. Kalat na sa buong campus at buong Pilipinas na gf ka ni JV” sabi ni Laney.

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon