-1-

2.3K 36 3
                                    

CHAPTER ONE

Carmela

Naghihintay ako ng bus sa may bus station. Papasok na ako ng school.

Pinagtitinginan ako ng tao dahil sa uniform na suot ko.

Isa syang bestida na stripe at may coat pa. Naka-heels din ako ng 2 inches kaya akala tuloy ng iba nagta-trabaho na ako.

Pero yong totoo yon ang uniform namin sa school.

Ewan ko ba, pero maganda naman siya kasi mukhang professional ang dating.

I didn’t introduce myself yet, I’m Carmela Frias and they call me “Carms” at pag asa bahay naman ako “Camille” ang name ko.

Ewan ko ba saan nila napulot yong “Camille” na nickname ko samatalang “Carmela” ang name ko. Weird diba?

I am a third year college. 18 years old at isang dakilang scholar sa San Lazaro University.

Hindi dahil scholar ako matalino na agad. Dalawa naman kasi ang pagpipilian mo kapag scholar ka eh.

Either 100% or 50% na katulad ko.

50% scholar ako dahil isa akong dakilang student assistant sa school.

Naka-assign ako sa isang department at naka-duty ako roon ng 3-4 hours a day.

May humintong bus kung kaya’t sumakay na ako.

Nasa unahan ako at sa bintana pumwesto.

Nag-ring bigla ang phone ko kaya kinuha ko iyon mula sa bulsa ng coat ko.

Napangiti ako sa tumatawag. TOP-oppa

Agad kung sinagot ang tawag.

“Good morning Oppa” masiglang bati ko saking boyfriend na si TOP.

Minsan lang kasi syang tumawag lalo na at umaga ngayon.

Busy kasi siya sa showbiz career niya lalo na ngayon at may new album sila.

“Good morning Yoebo (honey)” bati niya sakin with his deep and bedroom but sexy voice.

Geez mukhang kagigising lang ng boyfie ko ah.

“Where are you now?” tanong niya sakin.

“Sa bus. On my way to school.” Sagot ko kahit hindi pa naman umaandar ang bus na sinasakyan ko dahil naghihintay pa iyon ng pasahero.

“You sound sleepy oppa.” Sabi ko sakanya.

“Yeah. I just got 5 hours sleep a while ago.”

“So where are you now? You should sleep”

“I’m here at BB’s van. On our way to the network” sagot niya.

Ang BB stands for Boyz Beloved.

Mukhang kasama niya ang ibang member ng BB dahil narinig ko ang ingay sa background ni Oppa.

“You should sleep. Para may energy ka mamaya” sabi ko pero mahina lang.

Baka kasi may makarinig at may maisip na iba sa sinabi ko.

“No need. Whenever I hear your voice it gives me energy” sabi niya.

Kinilig naman ang ingrown ko mula dulo ng buhok ko. My Gosh.

“Yeah I know” sabi ko habang tumatawa ng mahina.

Kahit kelan di nagfi-fail si TOP na pakiligin ako.

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon