-8-

1.2K 19 0
                                    

CHAPTER EIGHT

Sa wakas na nakauwi na rin ako sa bahay namin. Hay nakakapagod maghintay lalo na at traffic. Sa may gate ng subdivision na ako bumaba at saka nilakad ang bahay namin mula roon. Ilang lakad lang naman mula sa gate ng subdivision ang bagong bahay namin kaya hindi naman ganon kalayo kung lalakarin ko.

Nang nasa tapat na ako ng bahay ay akmang bubuksan ko na yong gate ng may tumawag sakin.

Lumingon ako sakanya.

“San ka galing?” tanong ni Thunder sakin.

“Pumunta ako kila Tita Emz” sagot ko naman sakanya.

“Pumunta kang mag-isa roon?” sabi niya habang nakakunot-noo.

“Ahm, oo. Nag-taxi naman ako eh” sabi ko sakanya.

“Kahit na. Dapat sinama mo ako. pano kung naligaw ka?”

Itinaas ko ang kamay ko para pahintuin siya sa sasabihin pa niya.

“Relax. Nakauwi naman ako oh”

“I’m just worried. Next time sabihin mo sakin kung saan ka pupunta. Sasamahan kita”

Ngumiti naman ako sakanya. “Okay. Sige na. baka hinahanap na ako” sabi ko saka na pumasok sa loob ng bahay.

Minsan nakakaramdam ako ng guiltiness. Katulad na lang ngayon, sobrang nag-aalala para sakin si Thunder. Hindi ko naman siya maaring isama sa pagpunta kay TOP eh. Dahil magseselos si TOP.

Thunder is a good friend of mine. Kaya mahirap para sakin na makita syang nasasaktan ng dahil lang sakin. Kahit gusto ko mang sabihin sa kanya na wag na syang umasa sakin hindi ko parin magawa dahil hindi ko pa maaring sabihin na dahil iyon sa may nobyo na ako.

Mahirap yong ganitong sitwasyon na relasyong patago namin ni TOP. May umaasa na tao sa likod mo na naghihintay na mahalin mo.

Sorry, Thunder pero hindi kita kayang mahalin ng higit pa sa pagmamahal k okay TOP.

Nang makapasok ako sa loob ng bahay namin ay nakita ko na agad si mama na nanonood sa may sala ng Koreanovila. Mahilig kasing manood ng Koreanovilas si Mama eh.

Lumapit ako sakanya saka nagmano.

Paalis na sana ako para umakyat sa kwarto ko ng magsalita si Mama.

“May ginataang bilo-bilo na binigay ang Tita Pia mo nasa mesa,mainit-init pa yon”

“Okay po” sabi ko naman saka na umakyat para magbihis.

Pagkabihis ko ay dali-dali akong nagpunta ng mesa para maglagay sa mallit na cup yong ginataang bilo-bilo.

At saka ako nagpunta ng sala para makinood. Nilapag ko yong cellphone ko sa may mesa.

Tuwang-tuwa ako habang nanood. Nakakakilig kasing magpakilig si Kim Soo Hyun eh. Yong bang kikiligin ka. Naalala ko tuloy si TOP. Ganun ba talaga ang mga Korean. Sobrang sweet at nakakakilig.

Hindi ko namalayan na ubos ko na yong kinuha kong isang cup ng ginataang bilo-bilo kaya nong commercial break ay agad akong nagpunta ng kusina. Kumuha ulit ako. Marami kasing binigay si Tita Pia eh.

Pagbalik ko ay commercial break parin. Si Mama nakatingin sa cellphone ko na nasa mesa.

Kinabahan ako.

“Kanina pa nagva-vibrate yang cellphone mo. baka may nagtext” sabi ni Mama saka na tinuon yong tingin sa TV.

Kinabahan ako sa sinabi ni Mama. Akala ko talaga tinignan na niya eh.

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon