-39-

1K 18 0
                                    

CHAPTER THIRTY NINE

Minsan may nasasabi ka na hindi mo naman talaga gusto at sa huli ay pagsisisihan mo na lang…

“Ano?! Break na kayo?!” yan ang bulaslas ni Delaney ng sabihin ko sakanya na break na kami ni TOP.

It has been 18 hours since we broke up. At hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwala na wala na kami ni TOP at ako ay sumang-ayon doon.

“Bakit ka pumayag?” tanong ni Delaney.

“It’s better this way, Laney. Aalis siya at di na babalik. Ayaw niya akong maghintay sakanya. Mas mabuti na yong wala na kaming ugnayan sa isa’t isa.” Saad ko.

“Kaya mo ba?” yan ang tanong na mahirap sagutin. Kaya ko nga ba?

Sa dalawang taon naming magkasintahan ni TOP at sa loob ng dalawang taon na yon ay nasanay na ako na andyan siya parati para sakin.

Simpleng “Oo” at “Hindi” naman ang sagot sa tanong niya eh pero bakit ganun? Napakahirap sagutin.

“Kakayanin ko” sagot ko.

Napatingin ako sa bintana ng classroom namin sa may 3rd floor building. Bumuntong hininga ako at saka napaisip. Makakaya ko nga ba?

Hindi na umimik pa si Laney.

***

Nakahiga ako rito sa kama. Patingin-tingin sa cellphone ko. Tinignan ko ang oras. Alas-nuebe na ng gabi.

Ganitong oras ay magtetext si TOP ng good eve o kaya ay good night.

Pero alas-nuebe pasado na pero wala syang text. Magta-type na sana ako ng message para sakanya ng maalala ko na wala na nga pala kami.

Minsan ang hirap kasi ng ganito eh. Yong nasanay ka na may nagtetext sayo tuwing gabi. Nong kayo pa pero ngayon wala na kami eh.

Tinakpan ko na lang ng unan ang mga mukha ko. Sinubsub ko ang mukha ko roon. Alam ko na maiiyak na naman ako pag naalala ko yong break-up scene namin ni TOP at ang pag-alis niya patungong Korea.

Sa tuwing naiisip ko yon bumibigat ang pakiramdam ko. Nabawasan na naman ng isang araw ang isang linggo bago umalis si TOP at pakiramdam ko ay unti-unti na syang mawawala sakin.

Isang araw pa lang na hindi ko siya nakita, nakatext o nakausap ay di ko na kaya pano pa kaya ang ilang taon?

Ilang araw na lang aalis na siya. at sa pag-alis niya ay maiiwan ako. Di ko siya hihintayin katulad nga ng sinabi niya.

Naramdaman kong tumunog ang cellphone ko. May tumatawag sakin.

Di ko na sana sasagutin pero di yon tumigil sa pag-ring.

Di ko tinignan kung sino ang tumawag bagkus ay sinagot ko yon ng “Hello?”

“Can I see you?”

Yong boses niya, kilalang-kilala ko. Napatingin pa ako sa cellphone ko. Di ako makapaniwala na tinawagan niya ako.

Napaupo ako sa kama ko.

“TOP??!” yan ang bulaslas ko.

“Yeobo”

Naiyak na ako sa sinabi niya. Miss ko na yong pagtawag niya sakin ng ganon.

“Oppa” naiiyak na sabi ko.

“Can I see you? I’m here outside your subdivision” saad niya.

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon