-6-

1.3K 24 1
                                    

CHAPTER SIX

Nasa 12th floor na ako ng building. Walang masyadong nagre-rent sa floor na ito dahil ang alam ko ay binili ito ni TOP for his own privacy.

Nasa may dulo ang unit niya eh kaya naglakad ako papunta roon. Agad ko ng nilabas ang phone ko sa bag at tinawagan siya.

“Hello Yoebo” bungad niya agad sakin.

Bakit napaka-sexy ng boses ng lalaking ito kahit sa umaga?

“Good morning Oppa”

“Hey, are you already online? Wait I’ll switch my laptop first.”

Nasa harap na ako ng pintuan ni TOP. Ngiting-ngiti ako.

“Still there?”

Agad kong pinindot ang doorbell.

“Yup, wait. What’s that?” tanong ko kunwari ay di ko alam na ako ang nagdo-dorbell.

“Hayaan mo na. istorbo lang yon eh. just wait I’ll switch my laptop then we can have skype”

Panay parin ang doorbell ko. Pinigal kong matawa.

“Sige na buksan mo na muna yong pinto baka mamaya importante yon”

“Fine” padabog na sabi niya.

Ayaw niya talagang naiistorbo siya.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at paglabas niya.

“Will you shut the F---“  napahinto siya ng makita ako.

“Hi, Oppa” ngiting-ngiting sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya at para syang napako sa kinatatayuan niya. di siya kumukurap.

“Hey, Oppa?” sabay kaway ko sa mismong mukha niya.

Agad syang kumurap-kurap. “C-carmela?”

“Yup, its me” saad ko naman.

“It’s really you, yoebo” sabi niya.

“Di mo ba ako papasukin?” tanong ko sakanya agad.

Natataranta siya habang pinapasok niya ako.

Agad nyang sinarado ang pinto at saka hinarap ako.

“Yoebo” sabi niya saka ako mahigpit na niyakap.

Ramdam ko sa yakap niya na sobra niya nga akong namiss. Niyakap ko rin siya ng sobrang higpit. Sobra kong namiss ang lalaking ito.

Ilang buwan na di ko siya nakita ay parang napakatagal ng taong di ko siya nakita at nakasama.

“You’re real. I thought I was just hallucinating” sabi niya sa tapat ng tenga ko.

“Oo naman. Totoo ito, TOP. I’m already here. Bakit mo naman nasabi yon?”

Bumuntong hininga siya saka sumagot. “I thought I saw last time in the Mall. Pero guni-guni ko lang pala. Siguro sobra na kitang namiss kaya kahit saan nakikita kita”

Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya. Nakita nga niya ako. buti na lang inisip niya na guni-guni ko lang yon. My god. Kung alam niya na andoon ako ay baka magalit siya sakin.

Agad na syang bumitaw sa yakap namin at saka hinawakan ang mukha ko.

“I miss you, Yoebo and I miss this” sabi niya saka ako hinalikan.

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon