-15-

1K 16 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

Kinakabahan ako habang nakatayo sa hotel kung saan gaganapin ang birthday celebration ni TOP. Kasama ko si Delaney at Dae. Nakisabay na ako sa kanila kasi di ko alam ang Hotel na ito eh.

Buti nga at pinayagan ako ni Mama at Papa na sumama kila Delaney. Gabi kasi ang party ni TOP kaya akala ko di ako papayagan buti na lang at pinagpaalam ako ni Delaney. Sinabi niya na birthday niya at syempre kilala na rin siya nila Mama kaya kahit papaano pinagkakatiwalaan na siya ng mga ito.

Huminga ako ng malalim habang nakatayo sa may entrance ng Hotel. Maraming papasok na mga tao roon at karamihan ay mga mass media at mga artista.

Star studded ang 24th birthday celebration ni TOP. Syempre pinagkagastusan iyon ng Entertainment company ng BB.

“Pasok na tayo” sabi sa amin ni Dae.

Tumango ako at saka pumasok sa loob. Bago makapasok ay ininterview muna si Dae ng mga nasa labas na press people. Pinagkukunan pa nga kami ni Delaney ng pictures eh.

Muntik pa nga akong hingan ng interview kung hindi lang kami inaya agad ni Dae na pumasok sa loob ng venue kung saan gaganapin ang birthday ni TOP.

Pagkapasok namin ay marami ng tao roon na nakaupo. May mga press people na nag-i-interview sa mga invited. Maraming artista ang naroon.

“Delaney, ikaw na ang bahala sakanya. Humanap na kayo ng upuan. Puntahan ko muna sila” sabi ni Dae na ang tinutukoy ay ang BB members.

Inaya na ako ni Delaney na humanap ng mauupuan. At saka nakahanap kami sa may bandang harapan sa may gilid.

Kita namin sa pwesto namin ang stage.

“Engrade talaga ng birthday ni TOP” namamanghang sabi ni Delaney.

Ako rin naman namamangha. Sobrang engrade at ang ganda ng party na ito.

Ang dami pang bisita at mga sikat na artista pa. Saan ka pa diba?

Ito ang mundo ni TOP eh. ang mundong hindi ko nakasanayan. Napatingin ako sa mga artistang naroon. Napakaganda nila.

Yong sout nilang damit ay paniguradong galing sa mga sikat na designer ng bansa at saka kumikinang pa sila sa dami ng alahas nila sa katawan.

Samantalang ako ay simpleng tube baby pink dress lang ang suot. Okay na sakin yon. sanay na ako sa ganitong mapanuring tingin ng mga tao sakin.

“Carm, Delaney” narinig kong tawag sa amin ng dalawang babae.

Sina Merry at Alice pala.

Lumapit sila sa amin at nakibeso.

“Andito na pala kayo. Kanina pa kami dito. We’re waiting for you” sabi ni Alice sa amin.

Naupo ang dalawa sa tabi namin.

“Sumabay na ako kila Delaney. Hindi ko alam papunta rito eh” sabi ko naman.

“Sila Kuya asaan?” tanong ni Delaney sa dalawa.

“Kasama nila si TOP. Nasa dressing room” sagot ni Merry.

Napatingin siya sakin. Alam ko ang ibig sabihin ng tingin na yon. Naawa siya sakin. Gustong-gusto kong pumunta at lumapit kay TOP pero hindi pwede. Sino ba naman ako sa mga mata ng mga tao rito?

Nakakainggit nga sina Merry at Alice eh nakita na nila at nabati si TOP samantalang ako ay hindi pa. Gusto ko na syang makita at mabati. At maiabot na itong regalo ko.

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon