-31-

831 18 0
                                    

CHAPTER THIRTY ONE

Alas-nuebe natapos ang reception ng kasal ni Maggie. Umalis na ang ibang bisita ng kasala samatalang sina Mngr. Park at ang BB ay kasalukuyang nasa loob at nagpapaalam pa sa bagong kasal. Pinauna na kami ni Tita Sally sa van para ilagay ang mga gamit ng BB doon. Nakaupo na ako sa loob ng Van at hinihintay sila ng dumating ang BB kasama si Mngr. Park.

“Sally, Ikaw na ang bahala rito. Boys, ingat kayo sa daan” sabi ni Mngr. Park.

“Yes naman Mngr. Takot lang sa amin ng daan hahaha” natatawang sabi ni Tobi na parang di yata nauubusan ng energy samantalang ang mga kasama niya ay halatang pagod at inaantok.

“I need to go. Sally take in charge of them” sabi nito saka na umalis para magtungo sa sarili nitong sasakyan.

Nag-sipasukan naman ang tatlo na sina Dae, Tobi at Sun sa likod para doon maupo. Agad napasandal ang dalawa na sina Dae at Sun at mukhang inaantok dahil pumikit agad ang mga ito.

Napatingin naman ako kina TOP at JV na may pinag-uusapan sa may labas. Di ko marinig dahil mahina at medyo malayo sila sa van ng BB. Mukhang seryoso ang usapan nila dahil sa seryosong hitsura nila. Napatingin sakin si JV kaya napatingin din si TOP sakin. Nahuli nila akong nakatingin sakanila. Bakit ba pakiramdam ko ay ako ang pinag-uusapan ng dalawa?

Agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit masyadong seryoso ang pag-uusap nila lalo na si JV kanina pa siya eh. Seryoso ang mukha niya kanina habang kausap ko siya tungkol sa babaeng gusto niya. Actually wala akong alam tungkol kay JV kahit na kami ang pinaka-close. Masyadong mysterious din si JV eh para bang may tinatago siya tungkol sa sarili niya.

Nakita ko na lumapit na si JV para pumasok. Agad syang naupo sa tabi ko sa may bintana.

“Si TOP? Di pa ba siya papasok?” tanong ko sakanya.

“May kausap siya sa cellphone niya” sagot ni JV.

Napatango naman ako. Hinintay ko na lang si TOP na matapos. Ilang minuto rin ang nagtagal at saka na siya pumasok sa loob.

Kita ko ang iritasyon sa mukha niya. Napatingin ako kay Tita Sally na nakaupo sa may passenger’s seat ng magsalita siya.

“Wala na ba kayong naiwan? Aalis na tayo” sabi nito.

“Wala na po Tita Sally, nalagay ko naman na lahat ng gamit ng BB eh” sagot ko.

Hindi naman na sumagot ang iba dahil nakaidlip na rin sila. Mukhang pagod nga sila.

Pinaandar na ang sasakyan pero hindi parin umiimik si TOP. Wala kahit isa ang nagsasalita kaya feeling ko ay napaka-awkward ng sitwasyon ko.

Gusto kong gumawa ng conversation kay TOP pero busy naman siya sa pagtetext. Hindi ko alam kung sino ang ka-text niya eh. Napatingin naman ako kay JV na ngayon ay naka-headset at nakapikit na ang mata.

Hays. Sino ba ang kakausapin ko neto? Matulog na lang kaya ako? Pero ayoko eh. hindi pa naman ako inaantok. Di ko na kayang di mag-usisa kaya tatanungin ko na lang si TOP.

“Sino katext mo?”

Napatingin naman siya sakin.

“Wala lang” sagot niya. “Bakit di ka pa natutulog?” tanong niya sakin.

“Hindi ako inaantok eh. ikaw nga dyan, umidlip ka kaya. Di ka ba napagod?” tanong ko sakanya.

Hinawakan niya yong kamay ko. “Yoebo, are you mad at me?” tanong niya sakin.

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon