-34-

782 15 0
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR

Tapos na ang shooting ng BB. Ngayon ay may lunch kami sa isang restaurant. Courtesy ng company.

Nagpa-reserve ang CEO ng company sa isang mamahaling restaurant. At syempre ay private lunch yon kasama mismo ang CEO ng company.

Habang kumakain kami ay panay ang kaba ko. Lalo na ng buksan ko ang FB ko at ang daming pictures agad sa newsfeed ko. Lahat ay panay ang pictures namin ni JV. Marami na rin ang comments na sino raw ba ako? Kung ano raw pangalan ko?

Shet. Gusto ko ng himatayin lalo na sa mga bash sakin. Shems. Ito ang kinatatakutan ko sa lahat eh.

“Carm, okay ka lang. namumutla ka” puna ni Tita Sally sakin.

“Okay lang po ako” saka ngumiti sakanya. Ittinago ko na rin ang cellphone ko sa bulsa ko.

Nakita ko na tumingin sakin si TOP. Alam kong nag-aalala siya sakin. Nginitian ko na lang siya. Alam ko na pag nalaman niya yon ay hindi ko na siya mangigitian ng ganon. Kinakain ako ng konsensya ko eh. Hays.

Matapos ang lunch namin ay babalik na kami sa network. Habang asa daan ay di ako mapakali. Pano kung makita ng isa sa BB ang pictures sa Net. Hays.

Katabi ko ngayon si TOP. Nanlalamig at nanginginig ang mga kamay ko.

“Yoebo” tawag sakin ni TOP saka hinawakan ang kamay ko.

Napatingin siya sakin. “Your hands are cold. Are you okay?” tanong niya sakin.

Napatango ako. Nakita ko yong mukha niya na punong-puno ng pag-aalala.

“Are you sure you are okay? Maybe you are sick” sabi nito saka idinampi ang likod ng palad nito sa noo ko.

“TOP. I-I’m fine. Wala akong sakit. Okay lang ako” saad ko saka hinila ko yong kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Alam ko na nagulat siya sa ginawa ko. Ngayon lang kasi ako bumitaw kapag hinahawakan niya ako eh. Nagi-guilty kasi ako. Pakiramdam ko ay ginagago ko si TOP kahit hindi naman.

Napatingin ako kay JV. Nakatingin lang siya sa amin ni TOP.

“Yoebo” napatingin tuloy ako kay TOP.

“What’s the problem?” tanong niya sakin.

Kung pwede lang sagutin yong tanong niya. Na ano? Na pinakilala ako ni JV na girlfriend niya sa lahat at kumalat na yon sa internet?

Ganon ba ang sasabihin ko? Pero natatakot ako eh. Natatakot ako sa reaction ni TOP. Sa sasabihin niya sakin, sa amin.

Huminto na ang sasakyan namin sa parking lot ng Network. Buti na lang.

Nagsibabaan na kami at pumasok na sa loob ng building.

Nagpaiwan si Tita Sally sa may lobby kaya kami na lag ng BB ang pupunta sa dressing room

Habang naglalakad kami ay napapatingin sa amin ang mga ibang tao roon habang hawak nila ang phone o Tablet nila.

“Why are they looking at us?” tanong ni Dae.

Walang sumagot sakanya. Tuloy lang kami sa paglalakad.

“Siya ba yong girlfriend ni JV?”

“Diba PA nila yan? Pano siya naging girlfriend ni JV?”

Yan ang usapan ng mga tao na nadadaanan namin.  Gusto ko na tuloy ay lamunin na ako ng lupa ngayon.

His Secret Girlfriend {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon