Chapter 6: Sports Tryout

2.4K 47 3
                                    

Patrick's POV

After ng lahat ng klase ngayong araw ay in-announce na kung saan-saan ang mga venue ng mga sports.

Kailangan naming mamili ngayon ng magagaling kapalit nung mga gumraduate last year, kahit sabihin nating for substitute lang sila ay kailangan rin na magagaling, para san pa't nagpasubstitute kung yung inihalili sayo di pala alam ang gagawin, pasahan ng powers? Lol hahaha!!

Dumiretso na ako sa Locker, kaming dalawa ni Tristan.

"Alam mo bang ngayon rin ang tryout ng basketball girls?," tanong ni Tristan sakin.

May Tryout ang Basketball girls ngayon sasabay lang samin, pero di naman kami makakahanap ng chix dun, sigurado akong puro tibo lang ang nandon.

"First time lang tong may basketball girls ngayong year nato sa school natin, nainggit siguro si coach nung last year dahil may players yung ibang coach," natatawang sabi ni Tristan.

"So pano yan? Sinong pipili ng players para sa team nila?," tanong ko.

"Ewan baka si coach lang, o baka tayo hahahaha, malay mo may chix dun, machansingan natin," sabi nya na iginalaw galaw pa talaga yung kilay nya.

Anong chix sa mga yun? I'm sure puro tibo yung mga andon. Tandang kamo at hindi chix haha.

"Nako tol, kung chix hahanapin mo dun hahaha pagtatawanan kita, ang sagwa kaya nun, mas lalaki pang kumilos kaysa sayo, mga tibo hahaha," sabi ko.

"Loko ka talaga," sabi nya at binatukan pako ng mahina.

"Tara na baka pitohan na naman tayo ni coach nito, highblood pa naman yun baka mag 50/50 yun sa hospital hahahahaha!!!," biro ko sakanya.

"Baka tayo ang mag 50/50, ang taba kaya nun, pano natin mabubuhat," pabalik na biro nya.

Pumunta na kami sa court, naghintay kami ng ilang sandali, baka kasi may paparating pa.

Napansin ko naman si coach na kanina pa tingin ng tingin sa entrance parang may hinihintay.

Maya-maya pay dumating si Mark, anong ginagawa ng isang yan dito? Football ang sports ng isang yan eh, nauna sila ng time ng tryout nila, baka tapos na sila at pumunta rito para panoorin kami, parang may crush talaga tong si Mark sakin eh hahahaha!!

"Oh anong ginagawa ni Mark dito?," pabulong na tanong ni Tristan habang nakatingin kay Mark.

Halata kasing kakagaling nya pa sa laro, basang-basa yung buhok nya at malalim yung paghinga nya, bitbit nya rin yung sapatos nya at yung bag nya.

Lumapit si Mark sa gawi namin.

"Oy Mark? Anong gawa mo dito? Magta tryout karin?," tanong ko sa kanya.

"Hindi noh, loyal ako sa football, marunong akong makontinto sa isa," nakangising sabi nya.

"Loko wag mokong hugutan, eh anong ginagawa mo nga dito? Papanoorin moko? Sabi na eh may hidden feelings ka sakin," sabi ko.

"Keep dreaming Mr. Kim," sabi nya, "Asan si Coach Aguilar?,"

"Ahh so di mo ako type kasi si Coach ang type mo? Ayos ah, mahilig ka pala sa mamantika hahahahahah!!!," biro ko sa kanya at sinabayan naman ako ng tawa ni Tristan.

"Loko!!," sabi nya.

Natawa naman kami ni Tristan.
Nagulat kami ng may magsalita sa likod nya.

"Oh Mr. Lee, asan na sya?," tanong ni coach, humarap naman si Mark samin.

"Sinong sya?," takang tanong ni Tristan.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon