Patrick's POV
5 months na ang lumipas, dumaan ang pasko at bagong taon na wala akong ibang hiniling kundi magpakita na ulit si Jace..
Tama ang basa nyo, mula nung nagbreak kami ay hindi ko na sya nakita, hindi na sya pumasok. Pati yung pinsan nyang loading hindi ko narin nakita...
Araw-araw akong pumupunta sa bahay nila pero sabi ng guards wala raw ang buong pamilya nila roon...
Nung Disyemre, kinumpleto ko talaga yung simba ng simbang gabi, sabi kasi nila, kapag nakompleto yun, matutupad daw yung hiling mo...
Nagalit rin si Tristan sakin noon pinagtapat nya na matagal nya ng gusto yung bestfriend nya...
Nagkaayos naman kaming lahat, pero iba parin yung dating samahan namin.
"Putek bro! Nakakapagod palang humabol ng teacher magkaroon lang ng lintek na pirma yung clearance natin," si Tristan yun..
Signing of clearance narin para makafinal exam kami... Amp naman kasi bakit may clearance pa...
"Dre? Ok ka lang? Parang wala ka sa sarili ah," saway ni Andrew sakin...
"I'm fine!," matipid na sabi ko...
Maya-maya pa ay narinig namin yung ingay ng tawanan nung dalawang bakla at dalawang babae, sino pa? Edi yung mga kaibigan ni Jace...
"GUYS!!! MAY NAGBABALIK!!!," excited na sabi nung apat. Masaya sila... Nagtaka naman ako, sinong nagbalik?
"Hey Dre!!! Namissssss ko kayo, aba puta!!! Wala man lang nabago sa itsura nyo? Habang ako gwapo parin!!!," sabi na eh... Si Mark pala... Nakipagfistbump kami...
"K*ng ina bro, yan na ba yung resulta ng pagkawala? Nahahanginan ang utak?," pambabara ni Angelo...
"Anong ginagawa mo pala dito? Kala ko ba nagstop ka na? Hahaha ayos ang porma ah, pang secret agent?," natatawang sabi ni Xandy...
"Ulol, signing of clearance ngayon, hindi ako nagstop, pinapadalhan ako ng module, nag aaral ako online, tanong nyo pa sa mga teacher natin,"
"Grabe, nakasurvive ka ron? Hahaha amp*ta bro, personal nga dimo magets, online pa kaya hahahahaha!!,"
Natawa kaming lahat..
"Kung patalinohan ang labanan, ayos na ako sa gwapo hahaha,"
Natawa na naman kami lahat...
"Oh Patrick! Di ka nagsasalita jan? Napepe ka na ba sa kagwapuhan ko?,"
Natawa ako sa pagyayabang nya, dati kasi ako yung mahangin hahaha...
Maganda nga ang porma ni Mark ngayon, himala nagmukhang tao tong lokong to hahaha... Asan kaya si Jace?...
"Ano Mark? Nakapagpasign ka na?,"
Para akong nanlamig nung marinig ko ang boses ng isang babae...
Dahan-dahan ko na iniangat yung ulo ko...
Nakajogger pants, nakablack shirt at leather Jacket at naka jejecap na baliktad habang nakalugay yung mahaba nyang buhok...
Cool....
"Tara na Mark, baka hinahanap na tayo ni Rīda,"
"Tara... Oh by the way, this is Kiana,"
Isa-isa silang nagpakilala...
Akala ko pa naman makikita ko na si Jace ngayon dahil nakabalik na si Mark...
BINABASA MO ANG
Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)
Novela JuvenilJin Patrick Kim is an Almost Perfect guy studying in Ace Academy, Mayaman, Gwapo, Talented, yun nga lang----Mayabang. At ang isang ala-ala sa nakaraan ang palaging nagpapahina sa kanya---Her ex who leave him behind. He's the leader of BIG9, a group...