Jace's POV
Parang kailan lang nung unang araw ko dito. Ngayon? Araw nalang ang binibilang para sa acquaintance party.
Excited na ako!
Bakit?
Una!! Magpeperform na naman ako, kakanta at sasayaw, grabi kaya yung preparation ko dito nuh, ilang weeks rin kami practice ng practice sa mga naging kagrupo ko.(Ang dance troupe kasi sa school na to ay iba, grupo-grupo, pagka audition mo pag natanggap ka sila yung pipili kung sang grupo ka nababagay)
Sa Music rin syempre.
At di lang yun...
-FLASHBACK-
"Daddy, sige na please dad! Kausapin nyo po yung Dean ng Ace na sila Ashley yung gawing guests!,"
Kasalukuyan kong kausap si Daddy sa telepono.
//Anak, di nga pwede yun, tatlo yung guest? Marami sila//
"Eh ano naman, sige na po daddy please, namimiss ko na kasi sila"
Kunting drama pa Jace, Fighting!
//Mika naman, that's impossible, humingi ka nalang ng iba, ikaw nalang ang mag guest sa party ng mga kaibigan mo//
"Ayy," kunyari nalulungkot at nagtatampo kong sabi.
Narinig ko naman napabuntong hininga sya. //Fine, I'll see what I can do, but I'm not sure okay?//
Yes!!!
"Daddy please, gawin nyo po lahat, kung kinakailangan takutin nyo si Dean na sisisantihin mo sya,"
//hahahaha You're Crazy//
"Sige na dad tawagan mo na si Dean, I want to make sure," excited kong sabi.
//Eh kausap pa kita eh//
"Iconference mo daddy,"
Alam kong di makakahindi si Daddy sakin, kaya ayon tinawagan nya agad si Dean.
//Good Morning Mr. Clinton? Napatawag po kayo// narinig ko ang boses ni Dean.
Ako naman ay tahimik na nakikinig sa kanila.
//May kailangan ako, by the way anong plano para sa Acquaintance Party ng Ace?// tanong ni Daddy na may awtoridad, ganyan talaga si Daddy makipag-usap sa iba.
//Maayos naman po Mr. Clinton//sabi ni Dean.
//Good, may mga gusto ako gawing guest, and I Only Take "OKAY" as your answer Dean// sabi ni Daddy.
Go Dad!
//Ahh, sure, Sino po yun?// sabi ni Dean.
//They're from Kamekaze Academy, mga kaibigan sila ng anak ko, and my Daughter requested this, at ayokong hindian mo ako// sabi ni Daddy //Sila Ashley Tan, Angel Eun Hawthorne at Shirika Kina Yutagame//
//a-ahh ang dami naman ata nun, Mr. Kim?//
//Hinihindian mo ba ako Dean?// nananakot na boses ni daddy.
At doon pumayag si Dean
-End Of Flashback-
Oh diba hahahahaha.
3 weeks bago mag acquaintance ay wala ng hinto yung practice namin.
Sa Acquaintance ko nga rin pala ipapakilala sila Ashley kela Yumi.
BINABASA MO ANG
Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)
Teen FictionJin Patrick Kim is an Almost Perfect guy studying in Ace Academy, Mayaman, Gwapo, Talented, yun nga lang----Mayabang. At ang isang ala-ala sa nakaraan ang palaging nagpapahina sa kanya---Her ex who leave him behind. He's the leader of BIG9, a group...