Patrick's POV
Kinabukasan...
Nagising ako sa liwanag...
Laking gulat ko kung pano naging kulay ginto ang kwarto ko at may larawan sa bedside table...
Tsaka ko lang napagtantong wala ako sa kwarto ko nung may narinig akong sigaw ng isang bata na parang masayang tumatakbo...
Naglakad ako patungong banyo para maligo at magsipilyo. Baka makita ko pa si Jace at maamoy nyang ang baho ko...
Kaninong kwarto kaya tong tinulugan ko? Sa pagkakaalala ko kasi, doon ako sa kwarto ni Mark nakatulog ka gabi? Nagsleep walking ba ako?
Ayst oo nga pala, pinalipat ako ni Mark kagabi...
"May tao ba sa dati kpng kwarto Jim?," narinig ko ang pamilyar na boses nung makapasok ako sa banyo...
"H-ha? Ahh ehh---wala naman... Sino namang mananatili dun?," pagsisinungaling ni Mark...
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto...
"See, wala ngang tao, tara na sa baba, baka hinahanap ka na ng Ama mo," sabi ni Mark...
Nung marinig ko ang pagsarado ng pinto ay agad akong lumabas at mabilis na hinabol ang hininga ko...
Ang lakas ng tibok ng puso ko... Ano na kayang itsura nya ngayon na 21 years old na sya?
Dating kwarto nya pala to? Kaya pala may mga picture sya dito... Ang cute nya nung bata sya...
May picture syang nag aarchery, humahawak ng baril, katana, at kung ano-ano pa...
May nakita akong dalawang picture nya... Siguro ay nasa edad sampo sya nito.
Kinuha ko iyon at tiningnan yun, nakaitim sya sa picture at may nagsabit ng kapa sa kanya...
"Yan yung araw na binigyan sya ng pagkilala bilang isa sa maaring magmana ng buong emperyo o organisasyon," napatayo ako nang maayos nung may nagsalita sa likod ko...
"Tito Mike," napayuko ako dahil sa hiya...
"Hindi mo na kailangang yumuko o humingi ng tawad, gusto ko ring maikasal ang anak ko sa taong mahal nya, alam ko kung gano kahirap matali sa taong di mo mahal. Alam ko ang plano mo hijo," sabi nya at pinasadahan ako ng tingin, "Masaya ako dahil naging successful ka sa buhay. Dahil jan, hindi ako tututol sa magiging relasyon nyo ng anak ko,"
Napangiti ako dahil sa sinabi nya. Ayos,
Pasadong-pasado ako sa tatay mo babe...
Napasabi nalang ako sa isip ko...
"Kailan po ba ang kasal, tito?," tanong ko...
"Sa susunod na Linggo na,"
Ano raw po? Susunod na Linggo? Aba kailangan ko na makausap si Jace ngayon...
Nagpaalam na ako at lalabas na sana nung marinig ang boses ni Jace at ng isang lalaki na nasiaiguro ko na si Cyjeh...
"So pano, I'll see you later, beb?," tanong ni Cyjeh...
"Okay,"
"Bye I love you,"
"Okay,"
Muli akong napangiti nung nalamang hindi nag I love you too si Jace sa lalaking nagsabi ng I love you...
"Good luck Son," sabi ni Tito Mike sabay labas ng kwarto...
BINABASA MO ANG
Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)
Novela JuvenilJin Patrick Kim is an Almost Perfect guy studying in Ace Academy, Mayaman, Gwapo, Talented, yun nga lang----Mayabang. At ang isang ala-ala sa nakaraan ang palaging nagpapahina sa kanya---Her ex who leave him behind. He's the leader of BIG9, a group...