Patrick's POV
Nakakainis!!
Argh!!! Bwisit na babaeng yun. Naisahan ako?? Argh!!
Akala ko pa naman magcocommute yun makikita ko syang bumaba sa tricycle, yun pala may isa pang kotse!!
Mayaman ba yun? Parang di naman, baka Carnapping trabaho nya tsss!!
Humanda ka talaga saking babae ka.
Nakakainis parang napahiya ako sa sarili ko!!
Matapos ko syang pagmasdan sa parking lot na 'nagparinig' pa talaga sya saakin bwisit ang babaeng yun!! Nakita ko yung tropa ko kaya sumama na ako sa kanila papunta sa Classroom namin.
"Ang cute ng bagong transferee nuh?," sabi ni Tristan habang naglalakad kami papuntang classroom.
"Sinabi mo pa, ang cute nya kahit parang tibo hahaha," sabi naman ni Xandy.
What?? May mga mata pa ba tong dalawang to?
"Pst! Hoy! Sinong bagong transferee na pinag uusapan nyo?," tanong ko, sana naman hindi yung pangit na babaeng classmate namin na ginantihan ko kagabi.
"Yung classmate natin, yung Cli---- ano yun? Cli---," nag iisip na sabi ni Xandy. "A-ano ulit yun? Ang haba ng pangalan eh,"
"Tss, wag na wag nyong lukuhin yun, wag nyong isasama sa kalukuhan nyo sa buhay," nagsusungit na sabi ni Mark, problema nito?
"Bakit tol? Type mo? Pag type mo babalato namin sayo hahahaha!!," pagbibiro ni Tristan.
"Basta," sabi ni Mark.
"Ano ulit yung pangalan nun? Clin----- ano yun?," tanong ni Xandy.
"Mikael Jenny Jace Smith Clinton," biglang sabi ni Mark. Nagulat kami sa kanya, bakit nya kilala yun? Syota nya ba yun??
"Luh, alam mo? Stalker ka? Teka Mark, umamin ka nga Syota mo ba yun?" Pag-uusisa ni Xandy sakanya.
"Hays!! Ewan ko sa inyo," sabi ni Mark na nag unang lumakad.
Basta gusto ko na asarin ng asarin yung babaeng yon, tapos ang usapan!!
Pagkarating namin sa classroom, as usual napapatigil yung mga babae sa kanilang ginagawa, gaya nung mga babae sa labas, tsss.
Sandali pa kaming nag-asaran na magkakaibigan, hanggang sa dumating na yung teacher namin.
ENGLISH DISCUSS!
Pagkatapos ng English di man lang ako nakahinga ng malalim pumasok na yung matandang dalaga, si Ms. De leon.
"GOOD MORNING CLASS,"
Walang umimik kay maam.
"I SAID, GOOD MORNING CLASS!!," wala talagang umimik hahahaha
"MAGANDANG UMAGA!," galit na na bati nya, umuosok na ang ilong.
"MAGANDANG UMAGA MISS," tsaka pa lang tumayo ang buong klase at bumati sakanya...
Hahahaha!!
Letche!! Galit na galit na ang Lion hahahaha!!
"BAKIT HINDI NYO AKO BINATI O PINANSIN MAN LANG KANINA PABALIK???!!!!," galit na tanong nya.
Patay tayong lahat section Blue.
"Miss, ipapaalala ko lang, isa sa mga 'batas' mo sa 'klase' mo na bawal magsalita ng ibang 'lenggwahe' sa 'asignaturang' ito, sinuman ang gumamit ng ibang 'salita' ay 'ikaw' narin nagsabi 'di sasagutin o di papansinin," narinig ko na boses ng isang babae pero may pagkalalaki yung boses nya.
BINABASA MO ANG
Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)
Novela JuvenilJin Patrick Kim is an Almost Perfect guy studying in Ace Academy, Mayaman, Gwapo, Talented, yun nga lang----Mayabang. At ang isang ala-ala sa nakaraan ang palaging nagpapahina sa kanya---Her ex who leave him behind. He's the leader of BIG9, a group...