Third Person's POV.
"Dark di ka ba natatakot?," tanong ni Chard sa kanya.
"Bakit naman ako matatakot Chard?," sabi ni Dark Angel na kalmang kalma.
"Baka malaman nya kung sino ka, baka malaman ng lahat kung ano ka, manganganib ang buhay mo at ng pamilya mo," sabi ni Chard.
"Hindi pa ba nanganganib ang buhay namin? Matagal na kaming nasa panganib mula nung naging isa ako sa maaaring magmana ng emperyo," sabi ni Dark Angel.
"Pero Dark, bakit mo ba nililigtas ang lalaking yun? Bakit sya pa? Sa lahat ng pwede bakit sya pa? Na maaring mas magpahamak sayo!," sabi ni Chard na parang nag aalala, "Please wag mong ilagay yung buhay mo sa alanganin! Wag mong itapon ang buhay mo para sa kanya!!,"
"Matagal ng patapon ang buhay ko Chard," sabi ni Dark.
Napatigil sila nung may kumatok sa meeting hall.
"Pasok!!," sigaw ni Chard.
Agad namang pumasok yung kumatok na pawis na pawis----isa sa mga tauhan nila.
"Master Dark!! S-si Ang kambal po na sila Teary at Rence nakita po namin bihag ng mga taga Red Tiger Gang!!," sabi nung lalaki n di makatingin ng maayos kay Dark, "Di po n-nila alam na nagbalik na kayo!! A-ano po ang gagawin natin? B-baka po mapahamak ang d-dalawa!!,"
Agad namang napamura ang dalawa sa isip nila at nagkatinginan.
"Dika pa pwedeng magpakita Dark!!Pag nalaman nilang nagbalik ka na, baka anong gawin nila," sabi ni Chard.
Ang Red Tiger Gang ay ang pangalawa sa Ranking ng mga matataas na Gang sa bansa. Nangunguna ang Black Royalty na Gang nila Dark Angel. Ang Red Tiger Gang ang nanguna sa Ranking dati ngunit nung sumapi si Light Demon at Dark Angel ay ang Black Royalty na ang nanguna, kinatakutan at nirespeto ng lahat ng Gang.
"Anong gagawin natin Dark?," tanong ni Chard na halatang kinakabahan, baka pag di sila kumilos agad ay baka mapano ang mga tinuring nilang kapatid.
"Sige, bumalik ka na sa pag iinsayo, ngunit maghanda kayo, tatawagan namin kayo kung kailangan," sabi ni Dark sa lalaking pumasok.
"Tawagin mo si Light, Chard kailangan natin sya!," sabi ni Dark..
"Ok sige, tapos anong gagawin?," tanong ni Chard.
"Tawagin mo rin ang Triplets, si Cryst, Drill at Wind. Di ako magpapakita kung hindi kinakailangan, si Kamekaze tawagin mo narin," sabi ni Dark, "Magkita nalang tayo malapit sa madilim na parte ng HQ nila. Yung malapit sa Puno yung lagi nating pinipwestuhan. Gabi na kaya di nila tayo mahahalata"
"Eh ano yung Plano?," tanong ni Chard, "San ka pupunta?,"
"May alam akong pwedeng daanan natin papasok sa HQ nila, sisiguraduhin ko lang na di tayo sasabit," sabi ni Dark, "Kumilos kana, wala ng oras, dun nalang tayo magpaplano,"
Agad namang kumilos si Chard.
Si Dark naman ay mabilis pumunta sa HQ. Hindi na bago sa kanya ito. Nangyari na ito dati.
Pagkarating nya sa HQ ng mga RTG ay agad syang pumunta sa daanan. May dalawang bantay.
Nagtago sya sa dingding sakto namang lumapit yung isang lalaki na bantay.
Agad nya ito sinakal mula sa likod at tinabunan ng panyo ang mukha kaya nakatulog agad.
Kinaladkad nya ang lalaki sa madilim na parte at itinali sa Puno at tinabunan ang bibig nito para di makagawa ng ingay pag nagising.
BINABASA MO ANG
Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)
Teen FictionJin Patrick Kim is an Almost Perfect guy studying in Ace Academy, Mayaman, Gwapo, Talented, yun nga lang----Mayabang. At ang isang ala-ala sa nakaraan ang palaging nagpapahina sa kanya---Her ex who leave him behind. He's the leader of BIG9, a group...