Mark's POV
Asan na ba si Jace?
Dalawang oras na akong naghahanap sa kanya.
Halos nagalugad ko na ang lahat ng lugar na pwede nyang puntahan...
Ang hirap naman kasing hanapin ng payat na yun!!
Sila tito rin ay ganon. Di mahanap si Jace.
Di nila macontact si Jace. Nakapatay ang Cellphone nya.
Dios ko. Nangyari na ito dati. Ending? Ayon tinawagan na lang kami ng isang nurse na dinala si Jace sa Hospital.
San naman kasi nagtatago yun?
"Asan na ba yung babaeng yun?," tanong ko na wala sa sarili.
"Wala na bang ibang lugar na pwede nyang puntahan?," tanong ni Tristan.
Sumama sya sakin nung malaman nyang hinahanap ko si Jace.
Yes! Di kami pumasok.
"Try mo kaya tawagan?," sabi ni Tristan sa akin.
"Eh hindi ko nga Macontact eh," sabi ko.
"Ganto na lang, sabi mo mahilig yun mag inom diba kapag ganitong nasasaktan sya? Try natin maghiwalay, hanapin natin sa mga bars," sabi ni Tristan.
"Ha? Eh sa mga gantong oras kunti lang ang open na bar, tsaka minor pa lang si Jace," sabi ko.
Teka.... Si Simon. Yung kaibigan nya.
Baka andon si Jace.
Parang nagliwanag ang mukha ko nung maalala ko si Simon.
"Alam ko na, baka andon sya kela Simon,"
Kaagad kaming sumakay sa sasakyan at pinatakbo ito papunta sa bahay nila Simon.
Sana makita ko sya dun...
Pero nung nasa bahay na kami ni Simon. Biglang tumunog yung Cellphone ko.
From Jace:
Jim, Ok lang ako, wag na kayong mag alala. Gus2 ko lang mapag isa, kailangan ko mag isip, gusto ko muna ng tahimik.Patrick's POV
Sa Afternoon Class namin ay nakakapagtakang wala si Tristan. Absent din si Mark at Jace.
Expected na yung dalawa, pero bakit wala si Tristan? Tss.
Sa ilang taong pagkakasama namin magkakaibigan? Ngayon lang kami naging ganito.
Dati nagtatalo kami pero hindi dumating sa puntong sapakan.
Kapag may umabsent? Alam namin ang dahilan.
Marami na ang nabago ngayon.
At wala akong ibang sinisisi kundi si Jace pangit.
Inaagaw nya ang atensyon ng ibang mga kaibigan ko, inaagaw nya sila sakin. Gusto nyang masira yung pinundar naming pagkakaibigan.
Sa buong buhay ko rin? Ngayon lang ako nakasapak ng babae.
I hate her!!
After Class ay nauna akong pumunta sa Parking Lot.
Madilim-dilim narin.
Kanina, pinagalitan ako nila mommy. Pero hanggang yun lang. Warning kumbaga.
Nagdrive na ako agad.
Huminto ako sa isang parking Lot ng isang restaurant. Nagutom ako bigla.
Pumasok muna ako sa Restaurant para magtake out ng kakainin ko.
BINABASA MO ANG
Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)
Teen FictionJin Patrick Kim is an Almost Perfect guy studying in Ace Academy, Mayaman, Gwapo, Talented, yun nga lang----Mayabang. At ang isang ala-ala sa nakaraan ang palaging nagpapahina sa kanya---Her ex who leave him behind. He's the leader of BIG9, a group...