Chapter 47

1.6K 30 2
                                    

Patrick's POV

Sumunod agad kami sa hospital matapos ang bangayan namin sa Field, kahit isa sa amin walang idea kung anong nangyari kay Jace, bakit nahirapan syang maglakad...

Yung O.A. naman kasi na kuya nya eh.

Dumiritso na kami sa room ni Jace, sabi kasi ni Mark na kumuha daw ng room yung kuya nya. And guess what, sila ang may-ari ng hospital na ito.

Ace Ji Hospital

Yaman!

Pumasok kami agad sa room ni Jace... Wow ang laki ng room nya.. Parang hindi hospital ahh.

"Ano ba kasing ginawa nun sayo ha?," narinig naming naiinis na sabi ng kuya ni Jace.

"Wala nga, it was just a game. Accident lang siguro yun," sabi pa ni Jace.

May Bandage sa paa nya, baka nagkasprain sya.

"Accident? Pano kung dika na makalakad, sige nga Mikael. Basta mag sasampa ako ng kaso sa player na gumawa nyan sayo,"

Wow O.A. talaga, para namang namatay sa Jace..

"Natapakan nya lang ang paa ko at nakasuot sya ng spike shoes, natulak lang nya and nagkasprain ako, can't you see it? Ang babaw kung magsasampa ka ng kaso! Aksaya ng oras at aksaya ng pera," parang naiirita na sabi ni Jace....

Oww!

"Pero---,"

"Walang magsasampa ng kaso, laro lang yun and this is normal, TAPOS ANG USAPAN! LALABAS AKO DITO MAMAYA! PERIOD!!," inis na sigaw ni Jace kaya napatikom ang bibig ng kuya nya.

"P-pero Mika----,"

Di ba nila napapansin na andito kami ngayon sa entertaining area ng room nila?

"Isang reklamo pa Michael, mabobogbog na kita!," sabi ni Jace..

Napabuntong hininga naman ang kuya nya..

This Girl is making me crazy! Babae ba to o tomboy? Baka naman lalaki, trans gender?

Napatingin kami nung bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nun ang lalaking kaedad lang ni Cyjeh at kasingtangkad lang rin ni Cyjeh... Gwapo, pero mas gwapo ako... Isang kasing edad siguro ng kuya ni Jace pero di hamak na mas gwapo kay Michael pero mas gwapo parin ako....

At yung dalawang medjo may edad ng lalaki at babae mga kaedad siguro nila Daddy.

"Kael!!," rinig ko na masayang sabi nung lalaking kaedad ni Michael...

Wow! Kami ang naunang dumating tapos kami ang huling makakausap ni Jace? Asan na ang first come first serve? Bwisit!!

"Kuya!, Mommy! Daddy!," parang nawala yung sprain ni Jace nung paika-ika syang lumapit sa lalaki at sa medjo may edad nya...

Yung totoo, anak ba sya ni Sir Mike or anak pamilya nya tong andito ngayon? Mukhang mas masaya syang makita ang mga to eh...

"So How's my Beautiful Princess?,"

Yakkkkksss!!! Princess? Si Jace? Princess?? Woah!

"Fine," sagot ni Jace at inalalayan syang maupo...

"Kael," tawag nung kaedad namin...

"Yahh bro! You're here!! Hahahaha walang pagbabago ahh----,"

"Syempre, gwapo parin,"

"Asus! Nangarap ka naman agad! Hoy Gising Sorriano! Ang pangit mo parin kahit malasing ako hahahaha!!,"

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon