Chapter 15

2K 39 4
                                    

Patrick's POV

"Anong wala kang nakuhang balita?? Simple lang yun impormasyon na pinapahanap ko sayo!!!," sabi ko na pinipilit kontrolin yung boses ko.

//Sorry talaga Sir Patrick, mahirap naman kasing hanapin yun, di rin natin mapa analyze yung fingerprints kasi napakalinis nung card na yan//

Kausap ko ngayon si Triv.
Pagkalabas ko pa lang sa hospital pinahanap ko na sa kanya yung taong nagligtas sakin.

Gusto ko syang makilala.

"Pambihira naman Triv! Basic information lang hinihingi ko! Hindi whole biography!," sabi ko na minamasahi ang nuo ko.

//Mahirap po hagilapin, lalo na't nakatago sya sa maskara, malinis syang magtrabaho dahil wala naman akong nababalitaan na nagkaroon ng krimen at ganun ang itsura ng salarin//

Napakamot nalang ako ng ulo. Una si Jace ang di nya makuhanan ng impormasyon, ngayon naman yung taong nagligtas sakin... Puro na sya palpak..

//Pero sir may kunti po akong nalaman tungkol kay Jace nung bisitahin ko ang school nya dati at magtanong ako sa ilang studyante run//

"Ano?" Tanong ko.

Sana naman bago to!

//Jace Clinton is not Just an ordinary Girl! Yun lang ang masasabi ko//

"Ano? Yun lang ang impormasyon mo? Tang ina!," pagmumura ko.

//Di po sir, Big Idea po yun, ito na po ang supporting details, tanongin nyo muna po kong bakit//

"What the---- bakit?," inis na tanong ko dami nya pang kaik-ikan.

//Kinakatakutan sya sa school na yon, kahit mga lalaki takot sa kanya//

"Tapos?," bored kong tanong, alam ko na yan eh, tarantado nga kasi daw yun, narinig kong sabi ni Angel.

//May time daw na pinapahiya nya yung mga teachers nya,//

Well obvious naman ganun rin sya sa Ace.

//May time po na sinisira nya yung mga school properties, sabi nung naging classmate nya dati, minsan na raw sinira ni Jace ang Computer ng school, dahil lang sa hindi nagfafunction ng maayos//

Yahhh!! I should expect that one, tarantado nga diba?

//Pero kahit daw ganon ang ugali nun, di nasisipa sa K.A. Sir, kasi walang nangangahas, malakas daw ang kapit nun sa school nila//

What?? Malakas ang kapit? Eh mukhang pulubi yun, imposibleng magkaroon ng donations yun sa school or maging stock holder ng school.

//Mula pa daw nung grade 6 grabi na daw yun sa ganyan, marami ng studyante ang nagtransfer dahil sa inutos yun ni Jace Clinton//

"Oh yun na alam ko ng hindi lng sya basta basta," sabi ko, alam ko na lahat ng yan eh.

//pero sir, may isang taong nagpapakalma raw sa malademonyong babae na yon//

Nagulat ako. Baka naman mga kaibigan nya. Pero merong nagsasabi sakin na iba.

"Sino-sino?," tanong ko.

//Sir Sino lang, isa nga lang eh, bobo nyo pala sir, hahaha//

What? Tinawag nya ba akong bo------

"Umayos ka Triv!!," sabi ko.

//Tinagurian silang isa sa mga Campus sweet hearts ng school na yon, sobrang sweet daw nila, mahilig silang dalawa sa skateboard, palagi silang nakikitang magkasama, makikita raw ng mga studyante ang pagbabago ni Jace Clinton nung dumating ang lalaking yun sa buhay nya//

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon