[A/N: Very long update... Matured Content]
Patrick's POV
At Philippines..
Ito na nga ang araw na pinakahihintay ko... Ang makasama ang babaeng mahal ko habang buhay...
"Alagaan mo yung babaeng parehong mahal natin, bro," narinig ko na sabi ni Cyjeh habang sabay kaming nakatingin at nag-aabang sa pagdating ni Jace...
Hindi pa nga nagsisimula pero si Jace na yung hinintay ko...
"Syempre naman," sabi ko...
"Maraming salamat nga pala sa dalawang taong pagpapahiram mo sakin," sabi nya...
"Ulol, di ko sya pinahiram sayo di ka nga nagpaalam eh," sabi ko..
Natawa lang sya dahil sa sinabi ko...
Si Cyjeh yung naging best Man ko...
Yung Maid of Honour ni Jace? Ayon halos magpatayan si Ash, Kina, Angel, Yumi at Yassy...
Pero yung nagwagi ay si Angel, loka-loka rin yung babaeng yun pinagbibigyan pa ng mga latest Iphone yung apat para lang sya yung maging Maid of Honour...
Ang resulta? Napakaraming abay sa kasal namin... Tig sasampo... Sampo ang lalaki, sampo ang babae..
Sa lalaki, syempre yung mga tropa kong baliw at yung dalawang bakla. Sa mga babae naman ay ay yung apat na binayaran ng Iphone, si Kiana, Ash Julie, at yung apat ay galing na sa emperyo...
Syempre hindi magpapahuli yung flower girls at ring bearer..
Si Minnie yung flower girl na anak ni Ate Michelle at yung ring bearer naman ay si Styxe...
Dumalo rin yung mga kaibigan ni Jace noon na sila Al.. Pumunta rin si Trina...
Syempre ang pamilya ko di mawawala..
Maya-maya pa'y nagsimula na ang pagtugtog ng kantang napili namin para sa kasal namin...
Sabi nga nila... Sa hinaba-haba ng prosisyon sa simbahan rin uuwi...
♪♪You and I were like fireworks
And symphonies exploding in the sky..♪♪Noon nga para kaming mga aso at pusa... Laging nagbabangayan.. Inis na inis ako sa tuwing nakikita ko ang mukha nya...
♪♪With you I'm alive,
Like all the missing peices of my heart they finally Collide..♪♪Mabagal lang yung pag kanta sa napili naming wedding song...
Romantic na romantic ang dating...Noong nakasama ko na sya.. Di ko namamalayang nabuo na pala ako ulit... Na nararamdaman ko na ulit na buhay ako.
♪♪So stop time right here in the moonlight
Coz I don't ever wanna close my eye's.♪♪Nagpatuloy lang ang kanta...
Nagpatuloy lang sa paglalakad ang mga abay na nakangiti...
Hanggang sa bumilis yung tibok ng puso ko nung nakita ko syang nasa pinto ng simbahan. Nakatingin ng diretso sa mga mata ko habang nakangiti...
Hawak sya ng mga magulang nya...
"Ayan na sya bro... Wag mo syang paiiyakan sa sakit... Paiyakin mo sya sa sobrang saya," narinig ko na sabi ni Cyjeh... "Gawin mo yung mga hindi ko nagawa sa kanya... Wag mong gayahin yung ginawa kong pag-iwan sa kanya,"
Hindi ko maiwas ang mga mata ko sa kanya... She looks gorgeous wearing that wedding gown...
Hindi ako makapaniwalang, ilang minuto nalang at magiging mag-asawa na kami...
BINABASA MO ANG
Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)
Teen FictionJin Patrick Kim is an Almost Perfect guy studying in Ace Academy, Mayaman, Gwapo, Talented, yun nga lang----Mayabang. At ang isang ala-ala sa nakaraan ang palaging nagpapahina sa kanya---Her ex who leave him behind. He's the leader of BIG9, a group...