Chapter 4: Date?

3.8K 69 2
                                    

Mich's POV 

September 2014

Ang picture naming dalawa ni Jia ang nakita ko nung pumasok ako sa kwarto namin sa dorm. Galing akong mall. Wala eh, nabadtrip ako kanina nung makita ko sila ni Karlo. Ang saya saya pa nila. Hindi nga niya ako binati. Nakakasira lang ng araw.

Tuwing badtrip ako ay iyon palagi ang una kong hinahanap. Actually, may isang picture pa ako ni Jia na nakatago sa caabinet ko. Di niya alam na kinuha ko yun ng palihim sa photo album nila dati. Haha. Hindi naman ata niya napansin kaya hinayaan ko nalang.

Pinagmasdan niya ang nakangiting picture nilang dalawa. Smiling like there's no tomorrow. She's really cute and adorable. Kaya hindi siya nagtataka kung bakit madaming nagkakaroon ng crush dito and isa na doon si Karlo. At may Marck pa. Make that two. Take note: hindi lang sila >.< I'm selfish pagdating sa kanya.  Pero, wala naman akong karapatan kaya di ko nalang pinapakitang nalulungkot or naiinis ako pag may iba siyang kasama.

Higit pa sa kaibigan ang tingin niya kay Jia pero walang nakakaalam. Well, meron pala pero wag niyo na alamin baka tanungin niyo pa eh. Haha.

Actually, madami nang nagiging boyfriend yan si Jia. Grabe nga eh. Talo pa ako, ang sungit kaya niyan. As in. Minsan kung di niya talaga trip na kausapin ka, hindi talaga. Kapag isang tanong, isang sagot yan, dun na. Wala na sa mood yan. Pero napagtitiisan ng mga manliligaw at ex boyfriends niya. Wala eh, haba ng hair eh. Haha. Di naman serious relationship. Yun lang bang, pag nagustuhan niya, go na, pag ayaw na niya, break na. Lupet no? :D

Kaya yung si Karlo kanina? Manliligaw na niya yun, opening pa nga ata ng classes eh. Before ni Karlo, may boyfriend na yan. Hindi ko na nga nalaman pangalan kasi isang araw lang naging sila. Nakipag break agad si Jia dahil KJ daw yung guy. Hindi ko na nalaman kasi ayaw na niya pag usapan. Oh diba? Lupet talaga. Haha.

Tinitignan ko parin yung picture frame ng tumunog yung door knob. Agad ko namn kinuha yung libro s side table at tinago yung picture. Ninja moves to 'dre! Haha.

Hindi ko siya pinansin. Kahit anong badtrip ko dito, di ko parin matiis eh.  Kaya, pagttripan ko muna.

"Hi Michifuuu" - Jia

Tumango lang ako then basa ulit.

"Hoy." - Jia

"Hmm?"

"Sabi ko "Hi." - Jia

"Hmm.."

"Michi naman eh. Galit ka ba?"

"Di."

"Ehhhh. Bakit ngaaa? Aysh. I know na. Yung kanina?"

"Anong kanina? Di naman kita nakita kanina ah."

"Michi naman eh."

"Wag ka nga. Nagbabasa ako ng libro."

"Bible? Wow. Michi. Di ko alam ganyan ka na kabait. Hahahaha. Di kana ba makapasok sa simbahan kaya bumabawi ka? Hahaha."

Ay patay. 

"May quiz kami bukas sa Theology no" Palusot ko naman.

"Mamaya na yan. Tara labas tayo."

Alam talaga kahinaan ko..

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Tayo, lalabas?"

"Oh bakit?"

" Himala! Wala kang date?"

"Meron. Ikaw. Hahahaha."

Ay wait.. Process.. Loading.. Kami, magddate? Alam ko wala lang yun sa kanya pero..iba yun sa akin eh. Haha. Date na daw eh, aayaw pa ba ako?

"Oh, ayaw mo? Wag nga lang. Hmp. Libre pa naman sana kita eh."

"Teka lang, first rule natin sa yayaan, pag may nagyaya, walang bawian."

"Parang ayaw mo naman eh."

"Wait lang, magpapalit lang ako."

(A/N: Itutuloy ko pa ba 'to? Hahahaha.)

Samurai's Kryptonite ft JiaMich (Julia Morado-Michelle Morente)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon