Chapter Five

11.6K 301 13
                                    

NASA banyo si Andy nang marinig niyang pumasok si Jeremy sa opisina. Hindi nagtagal, pati tinig ng kasama nito, dinig na rin niya. Natigilan siya habang nakaupo sa toilet bowl. Parang hindi pa katagalan nang marinig niya ang boses ng babaeng kasama ng kapatid niyang bunso.

Nang magsimula nang mag-English ang babae, natukoy na niya kung sino ito—ang babaeng sumira sa kanyang side mirror, na imbes na humingi ng pasensiya, nagtaray pa.

Wala na talagang modo ang mga kababaihan sa panahong ito, sa isip-isip niya. Lahat, bastos. Lahat, hindi marunong lumagay sa dapat kalagyan.

Inayos niya ang sarili, naghilamos at nagsepilyo, saka marahang lumabas. Dinig na dinig niya ang mga pinagsasasabi ng babae, na mukhang ikinasisiya naman ng kapatid niyang wala rin sa hustong pag-iisip.

And when he heard enough crap to last him a lifetime, nagsalita na siya.

Napalingon ang babae, kumurap nang ilang beses, napanganga.

Nilapitan ito ni Andy. "You can go now, Miss Whoever-you-are. You've wasted enough time."

"Wait, 'tol," ani Jeremy.

"She's dismissed," mariing sabi niya.

"I'm the head of the personnel department. Tatanggapin ko ang sa tingin ko ay karapat-dapat," sabi ni Jeremy.

"You're hiring her?" Hindi makapaniwala si Andy. "You heard her. Ano'ng gusto mong mangyari sa negosyo natin, ma-flush sa toilet?"

"Ang sakit mo namang magsalita," sabad ng babae.

"I'm not talking to you," sabi ni Andy rito.

"Ah, Rima," ani Jeremy, "will you excuse us for a while? Doon ka muna kay Mel, tatawagin na lang kita."

"Opo." Tumayo ang lady in pink.

Where on earth did she get that outfit? Ang mas nakakainis pa, parang proud na proud pa ito sa suot. Hindi ba nito alam na kahit mga nurse, hindi na nagsusuot ng puting stockings sa panahon ngayon?

At bago ito lumabas ng silid ay pinukol pa siya ng matalim na sulyap. Ang kapal talaga ng mukha. Ito pa ang may ganang magtaray!

Ini-lock ni Andy ang pinto pagkalabas ng babae.

"Where were you last night?" tanong agad ni Jeremy.

"Hindi ako papayag na magtrabaho rito ang babaeng 'yon," aniya.

"Don't change the topic," said his younger brother.

"Look who's talking," patuyang sabi niya. "As far as I'm concerned, we'll be discussing that bitch."

"Don't call her that. She's nice," pagtatanggol ni Jeremy sa babae. "Her name's Rima."

"I don't want her. Akala ko ba, nagkasundo na tayo na mga lalaki lang ang iha-hire mong account executive?"

"I changed my mind. I want to give her a chance. She deserves it. Hindi mo ba nakikita? There's a hunger in her. Iyon ang kailangan natin. She'll be good. She's the type na hindi susuko hangga't hindi naiba-bag ang account."

"I don't care."

"I don't care, either. Wala akong pakialam sa gusto mo. I own this company, too."

"I'm the president."

"Alam naman natin na pormalidad lang 'yan."

Hindi agad nakaimik si Andy. Fifty-fifty ang share nila ni Jeremy sa kompanya. Mas matanda lang siya kaya siya ang presidente.

Blush Series 2: Crush ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon