Chapter 14

10.9K 320 6
                                    

"OKAY naman ako." Tumawa si Rima. "Ikaw talaga, puro ka biro. Nagba-blush tuloy ako. Sige ka, baka maniwala ako." Tumawa na naman ito. "Nandirito pa si Andy, 'tawagin ko lang." Pumihit ito at halatang nagulat nang makitang nasa likuran lang siya nito.

"Si Jeremy, 'kausapin ka raw."

"Thanks." Kinuha ni Andy ang telepono at kinausap ang kapatid. Alas-otso kuwarenta'y singko na ng umaga. Papunta na rin siya sa opisina.

Nasa school na si Dakota. Hindi pa rin siya makapaniwala sa transformation ng anak. Hindi na ito kailangang gisingin at piliting pumasok. Nagkukusa na ito and she seemed to be enjoying school.

Utang-na-loob niya ang lahat kay Rima. Parang simula nang dumating sa buhay nila ang babae, naging maayos at magaan na ang lahat. Pati siya ay nabawasan ang pagkairitable. Dahil nga siguro hindi na problema ang behavior ni Dakota.

Nagpaalam siya sa kapatid. Sa opisina na lang nila itutuloy ang pinag-uusapan.

"Mag-breakfast ka muna," sabi ni Rima. "Kabilin-bilinan ni Dakota, huwag kitang paaalisin nang walang laman ang sikmura mo."

That made him smile. The last time someone insisted he had breakfast was when he was in college and still living with his parents. And he never realized how much he missed that brand of caring.

"Sure. Hindi ko naman talaga mare-resist ang luto mo," aniya.

"Pancakes lang naman ang niluto ko."

"Some pancakes." Naupo siya sa may mesa. Nakahanda na roon ang almusal niya. Sinalinan ni Rima ng brewed coffee ang mug niya. "What about you?"

"Mamaya na ako."

"Please, you're not a maid. Join me."

She smiled, somewhat coyly at naupo sa tapat niya.

He could not resist asking. "Parang ang saya mo. Ano ba'ng pinag-usapan n'yo ni Jeremy?"

"W-wala. Nangungumusta lang siya. Saka ikaw talaga ang hinahanap niya."

Parang hindi niya iyon mapaniwalaan kahit gusto niya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Nang makita niyang may kausap sa telepono si Rima at ma-realize na si Jeremy iyon, parang may bahagi ng damdamin niya na nagdamdam. Lalo na at nang nakaraang gabi ay may nabanggit si Dakota tungkol sa kapatid niya at kay Rima.

It seemed the two were very close. Dakota was implying the two might be heading for... well, romance.

That bothered him more than he cared to admit. He had grown somewhat possessive of Rima. He did not like the idea that she had her eyes on his brother and his brother had his eyes on her.

"Nililigawan ka ba ni Jeremy? Okay lang naman. Gusto ko lang malaman." He knew he sounded defensive.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Rima. "Ako? Ni Jeremy? Hindi! Imposible 'yon. Ano ba kayo?"

"Wala namang masama. Huwag ka nang mahiya. Binata naman ang kapatid ko at mabait." Parang may imaginary pin na nakaipit sa nostrils niya habang sinasabi iyon.

"Kaso nga, hindi. Ang alam ko, may girlfriend si Jeremy."

Iyon nga rin ang alam ni Andy, pero lately ay wala siyang balita. Hindi naman siya ang tipong makikialam sa love life ng kapatid.

"Ikaw, kung ano-ano ang naiisip mo. Saan mo ba napagkukukuha 'yang mga 'yan?"

"So, hindi nanliligaw sa 'yo si Jeremy?"

Todo ang iling nito.

"Like I've said, wala kang dapat ikahiya o ipangamba. Hindi naman ako tututol."

"Ang kulit mo!" Inambaan siya nito ng tinidor.

"Eh, kumusta na 'yong boyfriend mong taksil at magnanakaw? Mukhang naka-recover ka na, ah." And he was pleased.

Umismid si Rima. "Alam mo kasi, hindi ka dapat nagpapapaniwala sa anak mo. Active masyado ang imagination n'on."

"But really, it's nice to know na hindi ka na masyadong bothered dahil hindi naman talaga dapat pinag-aaksayahan ng panahon ang mga ganoong tao. Darating din ang para sa 'yo. Huwag kang mainip."

She shrugged. Sumubo ito ng pancake, nginuya iyon at nilunok. "What about you? Talaga bang wala ka nang balak lumagay uli sa... magulo?"

"I don't know." Kahit siya ay nagulat sa sagot niya. It wasn't long ago, na kapag tinatanong siya ng ganoon, isa lang ang isinasagot niya: "Yes, I've no intention of getting married again."

Bakit ngayon, "I don't know" ang isinagot niya?

So much had changed—hindi lang kay Dakota, maging sa kanya.

"Puwedeng i-elaborate mo ang sinabi mo?" She seemed to be enjoying the conversation, pero hindi maiwasang mapansin ni Andy na medyo nahihiya naman ito sa pagtatanong.

Long time ago, before Raquel changed his outlook and disposition, he was so sure of himself to the point na lahat ng babaeng nagtatanong sa kanya ng mga personal na bagay, pinagbibintangan niyang may crush sa kanya. He was seldom mistaken.

But that was before. Tempted as he was to presume, itinaboy niya iyon sa isip. Imposibleng magka-crush sa kanya si Rima. Halos sampung taon ang agwat ng edad nila. Si Jeremy talaga ang kaliga ng babae, kaya hindi imposibleng magkagustuhan ang dalawa.

"I mean, I really don't know. Hindi naman natin masasabi ang kapalaran, hindi ba? Hindi na lang ako nagpaplano sa mga ganyang bagay. Ang pinaplano ko lang, iyong alam ko na kaya kong gawin, iyong alam ko na kontrolado ko."

"Sabagay, hindi natin kontrolado ang puso natin. Titibok at titibok iyon kahit pigilan. Pero sabi ni Dakota, woman-hater ka raw?"

Natawa siya. Lahat naman ng nakakakilala sa kanya, ganoon ang palagay. He could not blame them.

"Hindi lang ako interesado. But I don't hate them. Babae ang anak ko, kaya imposible 'yon. I know there are good women out there."

"Talaga. Gusto mo pa ng pancake? Meron pa. Tinirhan ko lang si Dakota kanina kasi magme-merienda 'yon pagdating. Ayoko naman na kung ano-ano lang ang kainin niya."

Napangiti si Andy. "Thanks."

"For what?"

"For the pancakes and most especially, for caring about my daughter. It means a great deal to her. To us."

"Wala 'yon. Hindi naman mahirap mahalin ang anak mo. Mabait naman siya talaga." Uminom si Rima ng kape. "Ewan ko ba. Akala ko noong una, mahihirapan akong makisama sa kanya. Nainis talaga ako, as in, gusto ko nang sabunutan. Pero nang makapag-usap kami, nawala lahat ng inis ko at nagkasundo kami."

"Kagaya sa akin?" tanong niya.

Natawa si Rima. "Mismo. Noon talaga, gusto na kitang, alam mo 'yon—sa sobrang inis ko sa 'yo, gusto na kitang ipakulam!"

They laughed at that. And they finished all the pancakes. He could not remember the time he had a full breakfast like that. Nang umalis siya, magaan na magaan ang pakiramdam niya kahit puno ang tiyan niya.

But there was also the gnawing feeling that he really did not want to leave. He wanted to stay and spend the day with her. But the fact that he would be coming home in the evening and would be seeing her again was enough of a consolation. Na-realize na lang niya na sumisipol pa siya habang palapit sa kanyang sasakyan.

Blush Series 2: Crush ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon