HINDI makapaniwala si Rima. Ganoon pala ang biyaya, kapag ipinagkaloob na sa iyo, ang hirap paniwalaan. Ganoon pa man, masayang-masaya siya. May trabaho na siya, kahit pa hate siya ng presidente ng kompanya. Kakampi naman niya si Jeremy na kapatid pala ng lalaking masungit, at partner sa negosyong iyon kaya hindi siya nangangamba.
Ngunit bago siya sumabak sa trabaho, a-attend muna siya ng three-day seminar para sa mga account executive. Nalaman niyang bago pa lang ang Fixtures kaya masasabing isa siya sa magiging pioneers doon. Lima lang silang account executives, siya lang ang babae.
Dahil ayon kay Jeremy, mas gusto raw ni Andy—the president—na mga lalaki lang ang i-hire na empleyado. Kung hindi woman-hater ang tawag sa lalaki, ewan niya kung ano ito.
"Guys, I've got to go," paalam niya kina Lileth na nag-aalmusal pa lang. Pero nakabihis na ang mga ito, papasok na rin.
"Kailan ka nga uuwi?" tanong ni Fely.
"Monday na siguro ng hapon."
"Pasalubong, ha?"
"Siyempre. Pero wala pa akong datung, mga ate. Puwera na lang kung ibibigay na ang allowance namin."
"Sana," ani Josephine. "Kasi, tumawag ang nanay ko, kailangan daw nila ng pera. Baka puwedeng humiram kahit one-five lang."
"Sure," aniya. Mabait naman si Josephine, nagbabayad ng utang. Isa pa, feeling niya, pinagpala siya kaya hindi siya dapat magdamot.
Kahapon, tinapat siya ni Jeremy. Ang totoo raw, hindi siya qualified sa trabaho kung tutuusin. Pero nag-decide ito na bigyan siya ng pagkakataon dahil naniniwala ito na may kakayahan naman siya. Lahat daw ng tao, dapat bigyan ng pagkakataon na iangat ang sariling buhay.
Nagustuhan daw ni Jeremy ang bagay na may ambisyon siya at lakas ng loob. Iyon daw ang mahalaga, kaya pagbutihin daw niya ang trabaho at susuportahan siya nito.
Ang laki ng pasasalamat ni Rima. Crush na yata niya si Jeremy. Kung gaano kaantipatiko at kasama ng ugali ng kapatid nito, ganoon naman kabuti ang kalooban ni Jeremy.
Binitbit niya ang backpack, nag-beso sa mga kasama niya sa bahay at bumaba.
Isa na lang ang hinihintay nila pagdating niya sa opisina. Nasa van na ang mga kasamahan niya para sa training and team-building seminar na gaganapin sa isang resort sa Laguna. Needless to say, siya yata ang pinaka-excited sa lakad na iyon. Pakiramdam niya, noon pa lang nagsisimula ang buhay niya.
VILLA Beatriz ang pangalan ng resort. Maliit lang iyon. Ang mga silid ay nakapalibot sa dalawang swimming pool—isang pambata at isang pangmatanda. Parang maliliit na apartment ang mga units, may kanya-kanyang veranda. Nasa south side ang recreation hall at canteen.
Sa harap ng main building ay nakasabit na ang banner ng kanilang kompanya. They were ushered to their rooms. At dahil babae si Rima, wala siyang kasama sa silid.
Maliit lang naman ang silid. Pagbukas ng pinto sa gawing kaliwa, may kamang double-deck. Sa gawing kanan ang banyo. May bintanang jalousie at sa tabi ay may pinto na patungo sa veranda. May silya at coffee table doon.
Sumilip sa silid niya si Jeremy. "We'll have lunch first. Baba ka na agad sa mess hall, ha? Don't forget to lock the door."
"Oo. Thanks."
Nagpahid muna uli siya ng pressed powder at lipstick bago bumaba. She combed her unruly hair in place. Nag-spray siya ng cologne. Dapat, hindi madismaya ang mga kasama niya. Kaisa-isa na nga siyang babae roon, hindi pa siya magpapaganda?
BINABASA MO ANG
Blush Series 2: Crush Clash
RomanceAlam ni Rima sa sarili na hindi lang siya pang-promo girl sa supermarket na nagpapa-sample ng iba't ibang produkto. She had proven herself right nang matanggap siyang account executive sa isang kompanya. From selling instant noodles, she would now b...