BUKAS ang pinto ng silid nang umakyat si Rima. Katatapos lang ng dinner at balak niyang matulog nang maaga. Excited na uli siya para sa mga activities kinabukasan.
Nakaawang ang pinto ng banyo kaya sinilip niya iyon. Tiyak na si Dakota ang nasa loob niyon.
Si Dakota nga.
At ganoon na lang ang gilalas niya nang makita ang ginagawa ng bagets.
May aluminum foil na nakapatong sa ibabaw ng toilet cover, may lighter. Nakaupo sa tiles ang bagets. Bra at panty lang ang suot nito.
"Nagsa-shabu ka!" bulalas ni Rima.
"So?" bale-walang sabi nito.
"Masama 'yan!"
Sa pagkagulat at pagkarimarim niya, hinablot niya ang hawak nitong lighter at aluminum foil. "Gusto mo bang masira ang buhay mo? Gaga ka ba? Alam mo ba ang mangyayari sa 'yo kapag hindi mo 'to tinigilan?" Itinaas niya ang toilet seat cover at itinapon sa inidoro ang mga paraphernalia ng bagets. She flushed them in the toilet bowl.
Hindi naman umangal ang bagets, pinanood lang siya.
"I can always buy," anito.
"Bahala ka. Pero hindi puwede rito. Bakit ba napakapilya mo? Ilang taon ka na ba? Sixteen ka lang yata, ang dami mo nang nalalaman."
"Fourteen," anito.
Lalo na siyang nangilabot. "Katorse? As in fourteen? Fourteen ka lang?"
"So?'
"Bakit marunong ka nang manigarilyo? Mag-drugs? Wala ka bang nanay?"
Parang pagkarinig sa salitang nanay, nangilid ang mga luha nito.
"Kailangan ba ng nanay?" tanong nito.
"Siyempre. Nasaan ba ang mommy mo?" Napalingon siya sa pinto. Bukas iyon at maaaring makita si Dakota ng mga dumaraan. Mukha pa namang bold star ang hitsura nito. Isinara niya ang pinto.
"Ang mommy ko... Let me see..." Lumabas ito ng banyo at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng kama. "I'll ask the network. They can locate my mother."
"Hindi mo alam kung nasaan ang mommy mo?" Mangha siya.
"Ikaw, alam mo?" pilosopong sagot ni Dakota.
Sa tingin ni Rima, paimbabaw lang ang katarayan nito.
"Hindi. Hindi ko naman nanay 'yon, eh." Naupo siya sa kama. "Ano ba'ng problema mo?"
Bago sumagot, humagilap na naman ito ng sigarilyo.
"Utang-na-loob, huwag kang magpausok dito!"
Sa pagkamangha ni Rima, hindi nga nito sinindihan ang sigarilyo. Natakot kaya sa kanya? Sana.
"Ang dami kong problema," anito.
"Ano-ano?"
"Hindi ko alam."
"Ano 'yon?" aniya.
"Ikaw, alam mo ba ang problema mo?"
"Oo, pero kahit namomroblema ako, hindi ako nagbibisyo at hindi ako nagwawala."
"Nasaan ang parents mo?"
"Nasa probinsiya."
"I want to die," sabi nito.
"Huh? Dahil nasa probinsiya ang parents ko?"
Humalakhak ito. "You're so funny."
"Lalo ka na. Look at yourself. You're fourteen only but you look old already. You're very thin, no boys will court you."
"Yeah, yeah." Nahiga ito at nagtalukbong ng kumot.
Ilang saglit siyang napaisip sa kinauupuan. Bandang huli, nagdesisyon siya. Lumabas siya ng silid at pinuntahan si Jeremy sa silid nito. Hindi niya puwedeng bale-walain ang nakita kay Dakota. It was a very serious matter.
My goodness, katorse anyos, nagsa-shabu!
Kumatok siya.
Hindi nga lang si Jeremy ang nagbukas ng pinto, si Andy. Naka-T-shirt ito at shorts, iyong maiksi na may slit pa sa magkabilang tabi. Nakakatakot ang legs nito, panay balahibo.
"What do you want?" angil nito.
"About your daughter." Mas mabuti na nga rin sigurong malaman ng ama nito ang pinaggagagawa ng anak. "I caught her in the bathroom using shabu."
"What?" halos bulong nito, anyong nanghina, bumagsak ang mga balikat, lumungkot ang anyo.
Kahit inis siya rito, nakadama pa rin siya ng awa.
"Are you sure?"
Sunod-sunod ang tango ni Rima. "I flushed it in the toilet already."
"Are you sure it's shabu?" ulit nito.
"Ano'ng palagay mo sa 'kin, sinungaling? May lighter, may mga foils, ano 'yon?"
"Where is she?"
"Matutulog na yata. Hindi naman sa nanghihimasok ako, kaya lang, dapat galingan mo ang pagdisiplina sa anak mo. Siya rin ang kawawa bandang huli.
"At nasaan ba ang asawa mo, ang mommy niya? Siguro, kaya siya nagkakagano'n, hinahanap ang mommy niya. Nasa abroad ba?"
Pinanlisikan siya ng mga mata ni Andy.
"None of your fucking business!" Isinara nito ang pinto sa mukha niya.
"Manang-mana sa 'yo ang anak mo!" sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Blush Series 2: Crush Clash
RomanceAlam ni Rima sa sarili na hindi lang siya pang-promo girl sa supermarket na nagpapa-sample ng iba't ibang produkto. She had proven herself right nang matanggap siyang account executive sa isang kompanya. From selling instant noodles, she would now b...