Chapter 17

11.3K 317 28
                                    

"HOW DOES it feel, Rima?" Sige ang pangungulit sa kanya ni Dakota kinaumagahan. Bale-wala rito na namumugto ang mga mata niya sa kakaiyak.

Na-realize na niya ang kagagahan. Pumayag siya na may mangyari sa kanila ni Andy dahil sa kapirasong ilaw ng pag-asa na mahal din siya ng lalaki.

Kaso, hindi pala.

"Hindi ko sasabihin. Hindi mo dapat malaman!" singhal ni Rima.

"Bakit?"

"Bata ka pa. Fourteen ka pa lang. Hindi ka pa dapat nag-iisip ng mga ganoong bagay. Magbihis ka na at male-late ka na."

"Do you love my dad?" tanong pa nito habang nagsusuot ng medyas.

"Love, love. Lalo kang wala pang alam sa mga love-love na iyan! Bilisan mo, naiinip na si Mang Ver," tukoy niya sa driver.

"Kapag niyaya ka ni Dad na magpakasal, will you?" Iyong isang paa naman ang minedyasan nito.

"Hindi kami magpapakasal."

"Eh, bakit ka nakipag-ano sa kanya?"

"Dala lang 'yon ng malanding panahon at putang pagkakataon."

Humagikgik si Dakota. "In love ka kay Dad."

"So what, even though, I don't care!"

Tumayo ito at isinuot ang sapatos, binitbit ang backpack. "See you later, Mommy!" Idiniin pa nito ang salitang "Mommy."

"Luka-luka!"

"You look awful last night," umiiling pang sabi ni Dakota. "It's not very cinematic, you know. You have your feet up in the air. You looked like a frog!" Sinabayan nito ng takbo.

"Buwisit!" bulong ni Rima.

Ang problema naman niya ay kung paano lalabas ng silid ni Dakota. Alam niyang nasa silid pa nito si Andy.

Paano kung biglang lumabas ito at makasalubong niya sa sala?

Ano ang sasabihin niya? Paano niya ito haharapin? Paano niya ito haharapin na hindi niya maiisip ang mga pinaggagawa nila nang nakaraang gabi sa sofa?

Sabi nga ni Dakota, mukha siyang palaka. At malay ba niya kung matagal na silang pinapanood ng alaga?

Goodness, graciousness! Ano-ano pa kaya ang nasaksihan ng bagets?

Nagligpit siya sa buong silid. Pinalitan niya ang bedcovers kahit kapapalit lang niyon, may magawa lang. Kaso, nagugutom na siya. Alangan namang magpaka-gutom siya? Paano kung hindi umalis si Andy?

Bahala na.

Binuksan niya ang pinto at sumilip. All was clear. Lakas-loob na lumabas siya. Para lang mapasigaw pagdating sa dining area. Nagkakape na roon si Andy. Bihis na ito.

"Good morning," pormal na bati nito.

"'Morning," she murmured.

"I made sandwiches. Join me," yaya nito.

"Hindi pa ako nagugutom." Bumalik siya sa sala.

Mayamaya ay kasunod na niya si Andy, may dalang sandwich at kape.

"Here." Ibinaba nito ang mga dala sa mesita.

"Magre-resign na ako," sabi niya.

"What?" Natawa ito, tinabihan siya sa sofa. "We need to talk, kaya lang may kausap akong supplier ngayong umaga. Mamaya tayo mag-usap, okay?"

"Wala naman tayong pag-uusapan," aniya, pairap.

Hindi talaga niya ito magawang tingnan. Pagkatapos nitong isubsob ang pagmumukha sa bawat sulok ng katawan niya, hindi talaga niya kayang makipag-eye-to-eye contact dito!

He grinned. "We will talk. Don't leave, okay?"

Umismid lang siya.

"And sooner or later, you have to face me," nakakaloko pang sabi nito bago tumayo. "See you later." He blew her a kiss.

Ano 'yon? Ano ang ibig sabihin n'on? Maloloka ako! Maloloka na talaga ako!

Blush Series 2: Crush ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon