ISANG oras na yatang nakaharap si Rima sa salamin. Alam niyang bagay na bagay sa kanya ang bago niyang hairstyle at natutuwa siya roon. Pero hindi niya maalis ang hindi makontento. Kahit anong titig sa sarili ang gawin niya, malayong-malayo pa rin siya sa kagandahan ni Raquel. Ni wala siya sa kalingkingan nito. Sa kutis na lang, talbog na siya. Mukha siyang may galis kung itatabi sa babae.
Kahit pa sabihing masama ang ugali ni Raquel, walang kuwentang ina, base sa reaksiyon nito kay Dakota—which was really nothing—at mukha itong manyika, inggit pa rin siya.
She brushed her hair at bumuntong-hininga. Kung hindi magma-magic ang salamin, hindi siya magiging kasingganda ng ex-wife ni Andy. At malabong mag-magic ang salamin.
Tumayo na lang siya at lumabas ng silid. Ayon sa wall clock sa sala, alas-dose pasado na ng hatinggabi.
Pero hindi pa siya inaantok, magpapahangin muna siya sa terrace. Doon siya magmumuni-muni.
Ngunit hindi pala niya solo ang terrace. Naroroon si Andy. Bago pa niya nagawang tumalikod para bumalik sa silid ay naramdaman na siya nito.
He turned. "Hi! Hindi ka pa rin inaantok?"
"I-inaantok na. Iinom lang ako," she lied.
Nahalata siguro nito iyon. "C'mon, dito muna tayo. Masarap magkuwentuhan dito, lalo na kapag tahimik na ang lahat."
Asiwa man, nanaig ang pagtatangi niya sa lalaki. She joined him in the terrace.
"Care for some beer?" he asked.
She shrugged.
"I'll get you one," anito.
Nawala si Andy saglit. Pagbalik nito, inabutan siya ng beer in can. "Alam ko naman na hindi ka nakakatulog nang maaga at lagi ka dito sa gabi."
"Paano mo nalaman?" Lumagok si Rima ng beer. It was light, parang tubig nga lang. Malamig na malamig iyon. Lumagok uli siya.
"Kasi, hindi rin naman ako nakakatulog nang maaga kahit anong pagod ko. Kaso, kapag nakikita ko na nandito ka na, nahihiya naman akong lumapit. Baka kasi, gusto mong mapag-isa."
"Sa 'yo naman 'to, eh." Lumagok uli siya ng beer. Parang nababawasan ang kaba niya, pati insecurity. Medyo relaxed na siya. Sumandal siya sa railing. "Ang sarap kasing panoorin ng Maynila kapag ganito. Wala akong nakikitang pangit, mga ilaw lang."
"Right," sang-ayon ng crush niya. Naka-boxer shorts lang ito at puting T-shirt, nakapaa. Mabango ito, lalo na at nasa direksiyon nila ang hangin. Ang sarap amuyin ng herodes. Parang pati kasingit-singitan nito, mabango.
Pareho naman sila ng attire. Naka-shorts at T-shirt din lang siya. Wala siyang bra. Medyo conscious siya dahil hindi man kalakihan ang dibdib niya, para namang kung sinong contessa ang mga nipples niya.
She had to slouch. Dahil kung tatayo siya nang tuwid, baka naman mapagkamalan ni Andy na nang-aakit siya. Uminom uli siya ng beer at namangha dahil paubos na iyon.
"I'll get you another. Kaya lang, baka lalo kang hindi makatulog. Stimulant 'yan."
"O-okay lang."
Kumuha uli si Andy ng dalawang beer.
"I'm just wondering. May iba ka pa bang problema kaya hindi ka agad makatulog? Huwag kang mahiyang magsabi sa akin. Kung may maitutulong ako—"
"Wala akong problema. May amnesia—insomnia pala ako."
"Alam naman natin kung bakit nagkaka-insomnia ang isang tao. Baka naman iniisip mo pa rin ang ginawa sa 'yo ng boyfriend mo?"
BINABASA MO ANG
Blush Series 2: Crush Clash
DragosteAlam ni Rima sa sarili na hindi lang siya pang-promo girl sa supermarket na nagpapa-sample ng iba't ibang produkto. She had proven herself right nang matanggap siyang account executive sa isang kompanya. From selling instant noodles, she would now b...