Chapter 15

10.6K 274 3
                                    

"MAKAKATIIS pa ako talaga," sabi ni Rima kay Dakota dahil panay ang giit ng bagets na pumunta na sila sa salon pagkatapos niyang sunduin ito sa school.

"Maaga pa naman. It won't take long. Alam ko naman na kahapon ka pa atat na atat ipaayos 'yang buhok mo," ani Dakota. Pagkatapos ay inutusan nito ang driver nila na sa salon sila dalhin, something called "Persona."

"Baka naman mahal do'n, wala nang matira sa suweldo ko." Atat naman talaga siyang magpa-straight ng buhok dahil hindi na niya mapigilan ang sumibol na crush sa puso para kay Andy. Gusto niya, lagi siyang maganda para mapansin nito.

"Ako na ang bahala ro'n. Gift ko sa 'yo. I-treat mo na lang kami ni Daddy sa dinner mamaya."

"Sigurado ka?"

"Oo. Trust me."

Wala pang treinta minutos, nasa parking area na sila ng Persona. Nalaman niyang hindi pala iyon basta salon. It was also a spa.

"Halika, bilis!" Hinila na siya ni Dakota pababa ng van.

"Hi, Dakota, looking great!" bati rito ng bading na sumalubong sa kanila.

Sa hitsura ng lugar, parang dalawang buwang suweldo ang mauubos ni Rima sa isang service. Gusto na niyang mag-back out.

"Hi, Gem! How are you?" bati ni Dakota.

"I'm fine, thank you. Your mom's not here. Kaaalis lang."

Nagulat siya. Mom? Ito ang spa na pag-aari ng mommy ni Dakota? Bakit dito siya dinala ng bagets? Kinurot niya ang braso nito.

"I know," bale-walang sagot ni Dakota kay Gem. "Meet Rima. She's my new mommy."

Lalo siyang nagulat.

Ganoon na lang ang itinaas ng nakaarko nang kilay ng bading.

"Magpapa-rebond siya ng buhok. Take care of her, kung di, malalagot kayo kay Daddy. Ipasasara itong spa n'yo."

"Sobra ka naman," ani Gem. "Halika, Rima." Buong kaplastikang inakbayan siya ng bading. May tinawag ito na isang babae at inihabilin siya roon. Sinabi nito sa babae ang kailangan niyang serbisyo.

Dinala siya ng babae sa salon area, ipinasa siya sa isa pang babae na dinala naman siya sa isa sa mga cubicles para i-shampoo ang buhok niya. Hindi niya magawang mag-relax kahit magaan ang kamay ng nagsa-shampoo sa buhok niya.

Paano kung biglang dumating ang mommy ni Dakota? Bakit kailangan pang magsinungaling si Dakota? Eh, ano ba kung ipakilala siyang yaya? Mas komportable siya sa katotohanan.

At gustuhin man niyang pagalitan ang alaga, hindi na niya ito nakita. Nagpapamasahe raw ito, ayon kay Gem. Kandadasal na lang siya habang ginagawa ang treatment sa kanyang buhok na huwag sanang bumalik ang nanay ni Dakota. Baka tarayan siya.

"YOU LOOK different, Rima," ang tanging nasabi ni Andy nang makita siya. Sa restaurant na sila kinatagpo ng lalaki.

"Thank you," tipid na sagot niya. Bakit ba kahit gustong-gusto niyang nakikita lagi si Andy, kapag kaharap naman niya, nahihiya siya? Laging ganoon ang umpisa. Kapag nag-uusap na sila, saka siya medyo nare-relax.

"It's your hair!" bulalas bigla nito. "Bagay sa 'yo." Naupo ito sa tabi ni Dakota na katapat niya sa mesa.

"Ang ganda niya, 'no, Dad?" ani Dakota.

"Oo nga, eh. Puwede nang ligawan talaga."

Pakiramdam ni Rima, namula ang buong katawan niya.

"Order na tayo, Dad, para makauwi tayo nang maaga. May exams pa 'ko bukas."

"Sure."

Nasa kalagitnaan na sila ng dinner nang biglang mag-angat ng mukha si Dakota. The girl was facing the entrance.

"Look! Mom's here!"

Ganoon na rin lang ang gulat na rumehistro sa mukha ni Andy. At nagselos siya roon. She always had the nagging fear and doubt na lahat ng sinasabi ni Andy against his ex-wife ay sour graping lang, na ang totoo ay mahal pa rin nito ang asawa.

Nilingon ni Rima ang entrance. May magkaparehang papasok. The guy was mestizo and young, tipong male model o artista. But the woman at his side was another story.

Ito na yata ang pinakamagandang babae sa mundo na nakita niya—parang diwata. Parang kumikinang ang kutis nito at banat na banat iyon. Nakasuot ito ng body-fitting, thin-strapped blouse at itim na palda na masikip din. Hakab na hakab iyon sa balakang. Ang liit ng baywang nito. Her hair was golden brown and curled just right. Hanggang balikat iyon.

Barbie Doll. Manikin.

Ngumiti ang babae. It was a beautiful smile. But it was cold. Parang hanggang bibig lang ang ngiti nito, ni hindi umabot sa cheekbones. Lumapit ito sa kanila, ang isang kamay ay nakapulupot sa bisig ng kasamang lalaki.

"Hello, Andy," bati nito sa ex-husband. "Meet Bernard, my fiancé."

Tumayo si Andy at kinamayan ang lalaki. "Andy," tipid na pakilala nito sa sarili.

Sa kanya naman nakatingin si Raquel. "Is she the one?" halatang may sarcasm na tanong nito.

"She's Rima," sabi ni Andy.

"H-hi, nice to meet you," ani Rima.

"Trust my husband to insult me any way he can. This time, by hooking up with his daughter's nanny. What a shame, Andy," umiiling pang sabi ni Raquel.

Lalo naman siyang nagilalas. Alam ni Raquel na yaya lang siya ni Dakota?

"That's mean, Mom! You're such a bitch!" sabi ni Dakota.

"Dakota," saway niya.

Tumawa lang si Raquel. "See you around, Andy." Lumakad ito palayo na nakapulupot pa rin sa kasama. Ni hindi na nito pinansin ang anak.

"Pasensiya ka na, Rima," paumanhin ni Andy.

"Can you believe that, Daddy? She's got a fiancé? She's getting married?"

Bumuntong-hininga ito. "I don't care, sweetie. I just don't care."

Pero pakiramdam niya, apektadong-apektado si Andy. At parang pinipiga ang puso niya sa selos. Realistic siyang tao kaya alam niya na walang sino mang lalaki ang basta-basta na lang makakalimot sa babaeng kasingganda ni Raquel.

Blush Series 2: Crush ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon