NAPAANGAT ng mukha si Andy mula sa laptop sa ibabaw ng kanyang desk nang bumukas ang pinto sa opisina. Akala niya ay si Jeremy ang pumasok.
"Hi, Daddy!" bati ni Dakota, pagkatapos ay sinugod siya sa desk para hagkan sa pisngi.
He couldn't help but smile. When he did, he automatically glanced at Rima.
"How was your day, baby?" tanong niya kay Dakota.
"Great!"
And he must admit, Dakota looked like she had the best day of her life. Hindi lang iyon, sa tingin niya ay tumaba nang kaunti ang anak at nagkakulay ang mga pisngi nito. hindi na iyon maputla.
"Where have you been?"
"Namasyal kami sa Luneta at saka sa Baywalk."
"That's nice." Maybe the nanny was not a bad idea after all. At dahil doon, nawala na lahat ng inis niya kay Rima, something he really could not explain in the first place.
"I'll excuse you two, alam ko naman you're going to discuss about me," sabi ni Dakota at lumabas.
"Have a seat," sabi niya kay Rima.
"Thank you." Naglabas ito ng maliit na notebook, binuklat iyon. "Nine AM gumising si Dakota, then she took the shower and ate her breakfast. Magkasabay kami." Napansin yata ni Rima na namangha siya, kaya napatigil ito sa pagre-report.
"She doesn't usually eat breakfast," ani Andy.
"Nabanggit nga ng lola niya. Pero sa nakita ko, magana naman siya kaninang umaga, pati kaninang lunch. Sa Luneta na kami nag-lunch. Nagbaon kami. She enjoyed it."
"Good. Good. Keep at it, Rima."
"I will, Sir. Gusto kong tumaba nang kaunti si Dakota dahil mukhang tingting. Kaya sa Luneta ko dinala para maarawan nang kaunti. Gusto niya sa mall, kaso, mapapagastos lang siya roon, hindi pa siya maaarawan."
He was more than impressed.
"Thank you." He was genuinely grateful. Kahit humingi ng increase sa sahod si Rima, pagbibigyan niya. "Just don't hesitate to ask me anything."
Bumuntong-hininga ito. He noticed the french braid now. Bagay na bagay iyon dito. She was also wearing expensive-looking clothes na natitiyak niyang kay Dakota.
It didn't matter. Bagay naman iyon dito. Cargo shorts na khaki at puting T-shirt ang suot nito at naka-leather sandals. She looked great.
"Also, Sir, about what you told me in Laguna, about Dakota's problems, I discussed them with her and she told me the truth." May kinuhang cellphone sa bag si Rima at sinabi sa kanya ang mga ipinagtapat dito ng anak niya.
Hindi makapaniwala si Andy nang matapos ang babae.
"She made it all up?" Hindi niya alam kung ano ang unang mararamdaman. But of course, he was relieved. "Bakit kailangang gawin niya 'yon?"
It turned out, Dakota was texting herself gamit ang dalawang cellphones. Ito ang gumagawa ng mga malalaswang text messages para sa sarili. Ito rin ang sumasagot.
"Gusto lang niyang mapansin. Feeling niya, napapansin mo lang siya kapag may ginagawa siyang kalokohan. She doesn't feel loved. And one more thing, she wants to live with you in your house."
"Ha? Are you sure? Bakit noong nasa Laguna, ayaw niyang sumama sa kuwarto ko?"
"Naghihintay lang siya na pilitin mo siya."
"God, teenagers!" Nasapo ni Andy ang noo.
"Hindi ako psychologist, pero sa tingin ko, Dakota wants to feel normal. She feels she is not normal. She has everything money can buy and she feels that she can do anything and nobody will give a damn.
"May lola siya na nang-i-spoil sa kanya. Pakiramdam niya, puwede niyang utuin ito at hindi magagalit sa kanya, na wala siyang nagagawang mali sa paningin nito, na inaayunan din lang ng lolo niya. 'Tapos ikaw, pagagalitan mo siya. Pero kapag nangatwiran na siya at nagdabog, tumitigil ka na rin. In short, no need to be offended, she gets the impression that you did not really care."
"You're saying I'm not much of a father." Hindi nga siya offended dahil totoo naman siguro iyon.
"Hindi naman. Alam ko naman na mahal mo ang anak mo. Kaya lang, kulang ka sa pagdidisiplina. Parang ganito kasi 'yon, pagbabawalan mo siya na manigarilyo pero wala ka namang ginagawa para matiyak mo na hindi na siya makakahawak ng sigarilyo kahit kailan. Except now, that I'm here to stop her. Pero dati, hindi. Sinasaway mo siya, pero hindi mo inaagaw ang sigarilyo niya o tsine-check kung saan niya 'yon itinatago."
He sighed. "I get it, all right. Here's what we have to do..."
"ANG GUWAPO ng daddy ko 'no?" sabi ni Dakota kay Rima nang nag-excuse sa kanila sa mesa si Andy para sagutin ang tumawag sa cellphone.
Nasa isang restaurant sila. Nagyayang mag-dinner si Andy bago sila umuwi sa bahay para hakutin ang mga gamit ni Dakota doon at ilipat sa bahay nito.
Mula sa gabing iyon, magsasama na ang mag-ama sa bahay. Kasama rin si Rima siyempre.
Masayang-masaya ang alaga niya. Nagniningning ang mga mata nito at maganang-magana sa pagkain.
"Oo," ani Rima. Totoo namang good-looking ang ama nito. Iyong premature na pamumuti ng buhok nito ay parang nakadagdag pa sa appeal nito.
"It's a pity kung hindi na uli siya mag-aasawa. I mean, okay lang naman sa 'kin kung magkakaroon pa ako ng mga kapatid. Masaya nga 'yon, 'di ba?"
"Malay mo, mag-asawa pa ang daddy mo. Bata pa naman siya." Nasa treinta'y singko lang naman ang lalaki. Beinte-uno ito noong nag-asawa at nagkaanak. Napawalang-bisa ang kasal nito noong treinta anyos ito.
"Ayaw na niya, eh. Wala nga siyang girlfriend. Saka, 'di ba nga, galit siya sa mga babae dahil sa mommy ko?"
"Ipagdasal mo na ma-in love uli ang daddy mo."
"Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa," sabi ni Dakota.
Tinaasan ito ni Rima ng kilay. "Kailan ka pa natuto ng mga salawikain?"
"Ikaw ba, wala kang ambisyon na makapag-asawa ng guwapo at saka mayaman?"
Ipokrita naman siya kung tatanggi siya. "Meron din naman. Kaya lang siyempre, praktikal ako at saka realistic. Sa mga kuwento lang naman nangyayari na ang isang guwapo at mayamang prinsipe ay nagkakagusto sa dalagang yagit."
"Bakit si Assunta, pinakasalan ni Jules?"
Natawa siya. "She's not exactly yagit naman, ineng. Artista 'yon, sikat, maganda, sexy. Natural lang na magkagusto sa kanya 'yong si Jules."
"You're not exactly yagit din naman, eh. You can have someone like my dad kung gugustuhin mo."
Bumalik si Andy sa mesa, parang may duda ang pagkakatingin kay Dakota.
"Why do I get the feeling you're talking about me?" sabi ng lalaki, sabay upo.
"Rima said how good-looking you are and it's a pity you're not interested in women anymore," sabi ni Dakota.
Napanganga na lang si Rima.
BINABASA MO ANG
Blush Series 2: Crush Clash
RomanceAlam ni Rima sa sarili na hindi lang siya pang-promo girl sa supermarket na nagpapa-sample ng iba't ibang produkto. She had proven herself right nang matanggap siyang account executive sa isang kompanya. From selling instant noodles, she would now b...