Chapter 8

10.6K 316 22
                                    

HINDI malaman ni Andy ang gagawin, panay ang lakad niya sa kuwarto nila ni Jeremy hanggang maisipan niyang magbukas ng beer. Iniinom niya iyon nang pumasok ang kapatid niya. Masama agad ang tingin nito sa bote ng beer.

"Kailangan ba laging uminom?" sarkastikong tanong ni Jeremy.

"Leave me alone."

"Ano na naman ba ang nangyari? Nakasalubong ko si Rima, galit na galit. Bakit pinag-iinitan mo 'yong tao, eh, nagpipilit namang makisama?"

"Please, Jeremy. Kung si Rima na naman ang pag-aawayan natin, I'm out of here." Lumabas siya ng silid. Wala siyang pakialam kay Rima, pero masyado siyang nabagabag sa sinabi nito tungkol kay Dakota.

A drug addict? His daughter was a drug addict? That was too much. Hindi lang niya magawang puntahan sa silid at kausapin ito dahil naroroon din si Rima. Si Jeremy ang may gusto na isama sa babaeng iyon ang anak niya para daw mabantayan kahit paano.

Well, I'm supposed to be grateful.

Kung hindi nga dahil kay Rima, hindi niya malalaman na nagbibisyo ang anak. Kaya lang, kapag nakikita niya ang babae, kumukulo ang kanyang dugo.

Inubos niya ang beer, ipinatong sa pasimano ng terrace at tumuloy sa silid ng kanyang anak.

Kumatok siya.

"Sino 'yan?" Boses iyon ni Rima.

"Andy."

Bumukas ang pinto. Naka-bathrobe na kupas si Rima, pero mukhang hindi pa nakakapag-shower.

"Si Dakota?" tanong ni Andy, sabay sulyap sa kama. Nakatalukbong ng kumot ang anak niya. Mukhang tulog pero ramdam niyang nagtutulug-tulugan lang. Lumapit siya rito at bahagyang niyugyog ang hita nito. "Dakota?"

Umungol ang bata, pero hindi man lang dumilat. Napansin niya na nakamasid sa kanya si Rima, may hawak na makislap na bagay.

"Is that it?" tanong niya.

Ibinigay sa kanya ni Rima ang kapirasong aluminum foil. May nakapaloob doon na puting powder. Dinama niya ang pulbos sa daliri. It was fine, like talcum powder. Nang amuyin niya iyon, baby powder.

"Huh! Pinagbibintangan mong addict ang anak ko, eh, baby powder lang ito!" He felt relieved.

"Ano'ng gusto mong isipin ko? Nandiyan siya sa banyo no'ng nakita ko, naka-squat sa tiles, may lighter at inaapuyan ang ilalim ng foil, may nakasubo ring foil," katwiran ng babae.

"Paano mo siya nakita? Kinatok mo sa banyo?"

"Hindi. Nakabukas ang pinto ng banyo kaya kitang-kita ko, huling-huli ko sa akto!"

Dakota stirred, pero hindi sila pinansin.

"I see," ani Andy. "Nag-iisip ka ba? Hindi siguro. Dahil kung nag-iisip ka, dapat alam mo na walang drug user na ibabalandra sa ibang tao ang paggamit ng drugs!"

"Bakit mo alam, adik ka?" patuyang sagot ni Rima, wala sigurong maikatwiran.

"Puwede ba? My point is, bago ka magbintang, siguruhin mo muna. Naisip mo ba na posibleng may mga nakarinig sa 'yo sa pagbibintang mo? Masisira ang anak ko!"

"Matagal nang sira 'yang anak mo! Mana sa 'yo! Magsama kayo! Dapat, ikaw ang kasama niya sa kuwarto, hindi ako!"

Hindi nakaimik si Andy. Iyon naman talaga ang gusto niya, kaso, si Dakota ang nagwala nang malamang magsasama sila sa isang silid.

Blush Series 2: Crush ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon