"WHAT?" bulalas ni Andy nang marinig ang pakay ng kanyang unica hija. "Kukunin mong personal secretary si Rima?"
"You fired her. Kawawa naman siya, walang work. Kawawa naman ang family niya na umaasa sa kanya, magugutom. Her mother's sick pa, may cysts sa breast, kailangang ipaopera at i-biopsy. Farmer lang ang father niya, 'tapos, they don't own the land."
"I think it's a good idea," ani Jeremy. "May sasaway na sa mga kalokohan ni Dakota."
"I don't trust her," giit ni Andy.
"We do," ani Jeremy.
"She's not bad, Daddy. I want her. Kapag hindi ka pumayag, hindi na ako papasok. Magtatanan na ako. I'll get pregnant and I'll use drugs."
Wala siyang maisagot. Manang-mana ang anak niya sa ina nito sa pagkamanipulador!
"Okay, papayag ako. Sa isang kondisyon," aniya.
"What?"
"You'll quit smoking."
"Sure. Fifteen thousand ang salary ni Rima monthly, plus allowance."
"Yaya, kinse mil!" Makakalbo si Andy nang maaga sa batang ito.
"She's a personal secretary, Daddy."
"Sino ka naman para bigyan ng personal secretary?"
"I'm your daughter. I'm privileged."
"Pagbigyan mo na, Andy," sulsol ni Jeremy.
"I'll be good, Daddy. Promise." Itinaas pa ni Dakota ang kanang kamay.
Needless to say, may magagawa ba siya?
"Okay. Pero kailangan ko munang ma-interview si Rima."
"I'll tell her. Be nice to her, Daddy. Magwawala ako kapag inaway mo siya."
Andy sighed. Ano ang ipinakain ni Rima sa anak niya? Malalaman niya kapag nakausap niya ang magaling na babae.
"Papuntahin mo siya sa conference room. Doon ko siya kakausapin," aniya.
"BAKIT?" Alanganin man ay willing na si Rima na magpa-interview kay Andy para sa bago niyang trabaho. Pagiging yaya man ang kinabagsakan niya, kinse mil naman ang sahod. Okay na rin.
"Magpalit ka ng damit," ani Dakota.
"Ano'ng isusuot ko? Corporate attire?" Nakapantalong maong lang siya at T-shirt na compliments ng manufacturer ng instant noodles at tsinelas na binili sa Bambang.
"I'll lend you some clothes," sabi nito at naghalukay sa suitcase nito. "Here, try this!" Inihagis nito sa kanya ang lace na kamison.
"Ito? Magpapa-interview ako, hindi matutulog."
"Hindi pa 'ko tapos. Isukat mo muna 'yan. Don't wear bra."
"Sigurado ka, yaya ang kailangan mo? Baka naman gusto mong magtayo ng bahay na pula?"
Dakota giggled. "Trust me, okay?"
Curious din naman talaga si Rima kaya isinukat niya ang kamison. Gawa iyon sa stretchable na lace, hakab na hakab sa katawan niya at hanggang pusod lang. Manipis ang strap niyon. May built-in pads na iyon sa dibdib na kulay-balat. Napangiti siya nang humarap sa salamin. She looked sexy.
"Patungan mo na lang nito." Hinagisan siya nito ng kapirasong cardigan na kasinghaba at kakulay ng lace camisole. "Then take your pants off and wear this." Maiksing paldang maong naman ang inihagis nito.
Isinuot niya iyon.
"You look fabulous!" deklara nito at lumapit sa kanya.
"Now, let's do something with your hair and face." Iniupo siya nito sa stool sa harap ng munting dresser. Nilagyan nito ng santambak na mousse ang buhok niya, pagkatapos ay sinimulang i-french braid iyon.
"You have a classic face. It's actually nice. Hindi lang nahahalata, kasi cheap ang buhok mo. Kailangan ipa-rebond mo 'to. In the meantime, i-braid muna natin para makita ang shape ng face mo," sabi pa ni Dakota.
"Beauty expert ka rin pala," aniya, pero nasisiyahan naman siya. Kahit mahilig manlait ang maldita, magaan ang loob niya rito.
"If you're Raquel Esteban's daughter, you'll be an expert."
Tumaas ang kilay ni Rima.
"You know, my mom owns a spa. After the annulment, she put that up. But while I was growing up, all my memories of her are in front of the mirror, sa house, at sa mga beauty parlors. She had her bust lifted, also her butt. Kasi when she gave birth to me raw, her butt sagged. She used to be morena, pero ngayon, she's mestiza na. And then there's the endless liposuction. Kapag nakita mo ang mommy ko, hindi siya mukhang tao."
Natawa siya sa komentong iyon. "Bakit naman?"
"Para siyang Barbie doll. She's so perfect."
"Eh, bakit ayaw sa kanya ng daddy mo?"
"Because she's vain."
"Mommy mo pa rin 'yon. Dapat hindi ka nagtatanim ng galit sa kanya."
"She doesn't love me," malungkot na sagot nito.
"Akala mo lang 'yon. Isang araw, magkakausap din kayo nang maayos at magkakaintindihan kayo. May mga problema lang siguro ang mommy mo. Kasi, bilang babae, naiintindihan ko kung may bitterness siya. Imagine, kailangan niyang harapin ang katotohanan araw-araw na hindi siya mahal ng daddy mo."
"Daddy could have loved her, if she tried. But she was never there for him—for us. When they talk, all they talk about is money."
Natapos na ito sa pagbe-braid sa kanya. "There!"
"Maganda," ani Rima. Bagay pala sa kanya ang naka-braid ang buhok. Para siyang naging sosyal.
"Kaunting makeup na lang." Sinimulan ni Dakota ang paglalagay ng makeup sa kanya. Malambot at magaan ang mga kamay ng bata, parang mga paruparo sa kanyang mukha.
"Dapat magtayo ka rin ng spa pagka-graduate mo," mungkahi niya.
"I don't want to be like my mom."
Nagkibit-balikat na lang siya at in-enjoy ang sandali. For the first time, nalapatan ng mga mamahaling cosmetics ang mukha niya.
Nang matapos si Dakota sa pagme-makeover sa kanya, parang hindi na niya makilala ang sarili.
"You're so pretty," sabi nito.
Damang-dama ni Rima ang sinseridad nito.
"You're like the model Tweety de Leon."
"Thank you. Marunong ka rin palang mamuri."
"I'm honest." Kumuha ito ng isang pares na sandals sa suitcase at ipinasuot sa kanya. Magkapaa sila kaya walang problema. "Now, go and face my dad."
"Parang nahihiya ako."
"Kung kailan maganda ka, saka ka nahiya?"
"Sabagay. Wish me luck."
"You don't need it. You have me." Ngumiti ito pagkasabi niyon.
BINABASA MO ANG
Blush Series 2: Crush Clash
RomanceAlam ni Rima sa sarili na hindi lang siya pang-promo girl sa supermarket na nagpapa-sample ng iba't ibang produkto. She had proven herself right nang matanggap siyang account executive sa isang kompanya. From selling instant noodles, she would now b...