Chapter 10

10.2K 298 7
                                    

"YOU HAVE the—" Nerve to make me wait! Sa isip na lang naituloy ni Andy ang pagbulyaw kay Rima nang pumasok ang babae sa conference room. What he saw was really unexpected.

Pagkatapos ng lahat ng dinanas niya kay Raquel, natitiyak na niya sa sarili na kahit kailan, hindi na siya hahanga sa ibang babae. Tapos na ang mga pakikipagrelasyon niya. Wala na siyang balak ma-involve uli sa kahit sino. One failed marriage was enough, kahit sabihin pang his marriage to Raquel was doomed from the beginning. Ayaw na uli niyang makipagmabutihan sa kahit sinong babae.

Sapat na si Dakota. Ang anak na lang niya ang babaeng mamahalin niya sa mundo hanggang sa katapusan ng buhay niya.

But then again, Rima's transformation caught him off guard. Hindi niya alam kung paano magre-react sa nakikita. She was beautiful. Sexy.

"Sorry kung naghintay ka. Your daughter insisted to make a makeover on me."

"That's obvious. Have a seat." Naupo rin siya. Sa tapat niya naupo si Rima.

"Gusto mo raw akong interview-hin," sabi nito.

It was hard not to stare at her made-up face. Hindi naman makapal ang makeup nito kung tutuusin, nagawa lang i-highlight ang mga features. His daughter had the talent, he thought.

At hindi lang dahil gumanda si Rima sa ayos kaya napapatitig siya. There was something about her face that was intriguing. Hindi niya naiwasang ikompara ito kay Raquel.

Raquel's face was perfect, flawless. There were no lines, no spots, no visible pore.

Yet, hindi niya matagalang tingnan ang mukha ng ex-wife niya, noon at ngayon. Tuwing mapapatingin siya sa perpektong mukha ni Raquel, para siyang kinikilabutan. Kahit minsan ay hindi niya masabing maganda ang ex-wife niya. Para itong manikin sa mga clothes shops.

Rima's face was far more interesting. Higit sa kagandahang idinulot ng makeup, ang mukha nito ay parang buhay na buhay. Taong-tao. May emosyon.

"Hindi ko man gusto ang idea na maging nanny ka ng anak ko, wala akong magagawa. Iyon ang gusto ni Dakota. Pumayag na ako sa kondisyon na ititigil niya ang paninigarilyo," umpisa ni Andy. "Now, that's the first thing na gusto kong bantayan mo sa anak ko. No cigarettes."

"Okay."

"Number two, gusto ko, pagkatapos ng bawat araw, may report ka sa akin tungkol sa mga ginawa n'yo ni Dakota o ni Dakota mismo. Don't lie. I want an honest report."

"Okay," sagot uli nito.

"You should write these down," aniya.

"Wala akong dalang ball pen at papel, eh. Matalas pa naman ang memory ko. Hindi ko makakalimutan ang mga sasabihin mo. Una, no smoking. Secondly, daily report."

"Good." Parang gusto niyang mangamba na after one month, sintunado na rin mag-English ang anak niya. "Pangatlo, lahat ng gagawin n'yo o lakad, kailangang ipagpaalam sa akin. Hindi kayo lalakad na walang permiso galing sa akin."

"Okay."

"Fourth, Dakota should learn to spend money wisely. No unnecessary expenses. Bilang nanny at mas nakatatanda, kailangan mong pigilan ang paggastos niya."

"Kung ayaw mo siyang maging gastador, di 'wag mong bigyan lagi ng pera."

"I don't. Her grandparents do. My parents indulge her and I can't stop them. Kaya umaasa ako na matuturuan mo siyang magtipid."

"I understand. Anything else?"

"About her bedtime, before ten PM, dapat tulog na siya. No TV, no computers, no books. Only a glass of milk before bedtime."

Tumango ito.

"Also..." Hindi niya malaman kung paano uumpisahan at kung dapat ba niyang sabihin lahat-lahat kay Rima ang mga problema kay Dakota.

"Ano pa ho, Sir?"

Matagal muna niyang pinagmasdan si Rima. Parang na-conscious naman ito, nag-iwas ng tingin, pinaglaruan ang isang butones ng cardigan. Kaya medyo na-distract naman si Andy dahil napatingin siya sa tapat ng butones. She was wearing something lacy at parang wala na itong suot sa ilalim niyon.

He blinked.

"There's so much more you need to know about Dakota," aniya, hindi dahil pinagtiwalaan na niya si Rima kundi gusto lang niyang itaboy sa isip ang alindog nito.

Blush Series 2: Crush ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon